Advertisers
INIHAYAG ni Department of Justice (DOJ) Spokesperson Atty. Polo Martinez na pinagbigyan ng korte ang mosyon inihain kamakailan ng puganteng si Charlie ‘Atong’ Ang.
Ayon sa tagapagsalita, pinagbigyan ng Manila Regional Trial Court Branch 185 ang hiling ni Atong Ang na mag-inhibit ang presiding judge.
Kinakaharap dito ng negosyante ang kasong Kidnapping and Serious Illegal Detention, may kaugnayan sa mga nangyaring pagdukot o pagkawala ng mga sabungero sa Manila Arena.
Ngunit buhat nang paboran ang ‘Motion for Inhibition’, ni-raffle muli ang kaso at nailipat sa Branch 175 ng kaparehong korte.
Sa kasalukuyan, hinihintay pa ng kampo ni Atong Ang at panig ng Department of Justice ang magiging aksyon ng hukuman at magiging skedyul ng susunod na pagdinig.
Naghain kasi ng ‘Motion to Defer Arraignmen and Suspend Proceedinfs’ ang kampo ng pugante dahil sa nakabinbin pang ‘Petition for Review’ ng kaso sa DOJ.