Advertisers

Advertisers

2 kidnaper ng estudyante huli sa Taguig

0 16

Advertisers

ARESTADO ng mga elemento ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang dalawang suspek sa pagkidnap sa 14-anyos na Chinese student sa Taguig City noong Pebrero 20, 2025.



Kinilala ang dalawang naaresto sa alias Marv, 27 anyos; at alias Tatang, 62, kapwa taga-Pasay City.

Ayon kay Police Major Eleonor Villaruz, inaresto ang dalawa sa bisa ng warrant of arrest sa kasong kidnapping for ransom and homicide na ipinalabas ng RTC 153 Taguig City.

Tinutugis pa ng pulisya ang 5 pang suspek.

Magugunita na dinukot ng armadong grupo ang 20-anyos na estudyante sa isang international school kasama ang driver nito sa Taguig City noong Feb 20. Ang mga kidnapper ay humihingi ng $20 millon ransom sa pamilya ng biktima kapalit ng pagpapalaya dito.

Natagpuan ang driver na patay sanhi ng tinamong tama ng mga saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan sa San Rafael Bulacan, Feb. 21, 2025.

Na-rescue ang biktima ng mga otoridad malapit sa C5 Bridge sa Taguig City, Feb. 25, 2025.
(Mark Obleada)