Advertisers

Advertisers

PBA@50!

0 5

Advertisers

Noong Linggo ay 74 na bagong mga player ang napili ng 12 koponan ng PBA. Ito unang kaganapan sa ika-50 taon ng liga bago ang opening game sa ika- 5 ng Oktubre.

Ginawang no.1 over-all pick si Geo Chiu ng Ateneo nireng Terrafirma Dyip sa 2025 rookie draft. Isa ito sa pinakamaraming applicant (122) pero kulang sa malalaking pangalan. Hindi kasi nagpalista mga bantog na mas gusto makipagsapalaran sa abroad at mga taga UAAP na hindi pinayagan ng liga nila kahit last playing year na gaya sa NCAA.

Umabot ang hugutan ng 11 rounds. Bale ang Northport ang huling nag-pass kaya sila ang sandamakmak ang nahakot.

May at least dalawang 2nd generation cager ang bibigyan ng tsansa na mapapirma ng kontrata. Sila sina Arvin Gamboa ng Mapua na naging 5th pick sa 2nd round ng NLEX at Manu Codinera na UST reserve dati na naging 3rd pick sa 7th round ng Blackwater. Anak ni Arnold Gamboa ng SMB noon si Arvin at ire naman si Manu ay kay Jerry Codinera ng Purefoids.

Eka naman ni Tata Selo ay posible naman na kahit hindi kasing husay sa ibang season ay sila naman magkaroon ng higit na numero magtagal na batch sa PBA.

Nagtatanong naman si Pepeng Kirat kung ano mangyayari sa mga ulat na naibenta na ang Northport sa Pureblends. Ang iba pang koponan tulad ng Terrafirma ay nasa merkado at naghahantay lang ng tamang buyer.

Baka daw kasi dahil dito ay tuloy ang “farm team” concept na pinagdududahan ng taong-,bayan.

***

Sinemento na ni Alex Eala ang taguri sa kanyang pinakasikat na Pinoy ngayon sa buong mundo nang magwagi siya ng korona sa Mexico noong isang araw.

Unang kababayan natin si Alex na nanalo ng WTA 125 na kampeonato. Dinaig niya si Panna Udvardy ng Hungary para makopo ang 2025 Guadalajara 125 Open aa score na 1-6, 7-5, 6-3.

Tiyak Athlete of the Year na rin siya ng Philippine Sportswriters Association sa susunod na parangal .

“ Tiwala lang sa sarili, huwag magduda,” sabi ng ating kampeon sa tennis.

Ang WTA 125 ay secondary pro circuit ng Women’s Tennis Association

Mabuhay ka, Eala!

***

Kahapon espesya na bisita natin sa OKS@DWBL si Fil-Canadian hoopster Norbert Torres. Balitang sa Barangay Ginebra na siya maglalaro matapos hindi na-renew ng Meralco ang 35 anos na sentro. Malaking tulong ang produkto ng DLSU kina Japet Aguilar at Troy Rosario sa shaded lane.