Advertisers

Advertisers

Spkr. Romualdez sa ‘suhol’ ni Discaya: I cannot and will not allow lies and name-dropping to pass unchecked

0 8

Advertisers

ITO ang mariing pahayag ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kasunod ng pagbubulgar ng mag-asawang Discaya base sa kanilang sinumpaang salaysay kaugnay ng patuloy na imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa anomalya sa flood control projects sa bansa.

“The claim in the Discaya couple’s affidavit that my name was used for commissions is false, malicious, and nothing more than name-dropping. Let me be clear: Wala akong kinalaman, wala akong pahintulot, at wala akong basbas sa mga ganyang gawain,” diin ni Romualdez.

Aniya, ang budget ay inaaprubahan lamang ng Kongreso matapos ito’y pagdebatihan sa Kamara de Representantes. Ito aniya ay hindi nagpapalabas ng pondo at hindi rin nagpapatupad ng mga proyekto. Yan lamang aniya ang natatanging papel at tungkulin ng Executive at mga ahensya tulad ng Dept. of Public Works and Highways (DPWH).



“If anyone invoked my name, they did so without my knowledge and without my consent. At kung ginawa nila iyon para kumita, sila ang mandaraya at sila ang dapat managot,” diin ng lider ng Kamara.

“And I say this with all honesty: I have never, and I will never, accept a bribe from anybody. Walang sinuman ang kayang manuhol sa akin. Alam iyan ng lahat ng House Members. I am self-made, and I have been blessed with the trust of the Filipino people. I do not need—and will never allow myself—to be corrupted by money that does not belong to me,” dagdag pa niya.



Sinabi pa ni Romualdez na kung may nang-abuso o gumamit ng pangalan niya para kumita, sila aniya ang dapat managot—kahit sino pa sila, sa loob o labas ng gobyerno.

Mariing sinabi rin ni Romualdez na hindi niya pahihintulutan ang anomang kasinungalingan at “name-dropping” sa layunin na dungisan ang kanyang reputasyon at wasakin ang dignidan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. (Henry Padilla)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">