Advertisers

Advertisers

Uswag Ilonggo Rep. Jojo Ang tumanggap ng pera mula sa mga proyekto — Discayas

0 12

Advertisers

PINANGALANAN ng mga kontratista na sina Sara at Curlee Discaya si Uswag Ilonggo Partylist Rep. Jojo

Ang bilang isa sa mga mambabatas na umano’y tumanggap ng pera mula sa kanilang mga infrastructure project.

Sa isang 10-pahinang sinumpaang salaysay na isinumite sa Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ng mag-asawa na napilitan silang magbigay ng 10 hanggang 25 porsyento ng pondo ng proyekto sa mga mambabatas upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng kanilang mga kontrata.



Iginiit nila na paulit-ulit na sinasabi ni Ang na ang kanyang mga proyekto ay pinopondohan nina Speaker Martin Romualdez at Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.

“Si Cong. Jojo Ang naman ay lagi ring binabanggit na lahat ng project sa kanya ay papondo ni Speaker at ni Zaldy Co kaya mataas ang hinihingi sa project,” ayon sa kanilang affidavit.



“Dagdag pa niya, hindi naman lahat ng pera ay para sa kanya kundi para kay Speaker at Zaldy Co,” dagdag pa nila.

Ipinahayag din ng mag-asawang Discaya ang kanilang kahandaang magsilbing state witnesses kasabay ng paghiling sa Senado ng proteksiyon para sa kanilang pamilya.



Mariin namang itinanggi ni Ang ang paratang sa pagsasabing wala itong katotohanan.

“Hindi totoo ‘yan,” ani Ang.