Advertisers

Advertisers

Lacson ikinabit si ex-DPWH Sec. Bonoan sa negosyo ng kontrata sa Pampanga

0 13

Advertisers

LUMITAW na bahagi umano ng negosyo ng pamilya na may malalaking kontrata sa Pampanga si nagbitiw na Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan.

Sa kanyang talumpati sa pribilehiyo, sinabi ni Senador Panfilo “Ping” M. Lacson na si Fatima Gay Bonoan-Dela Cruz, anak ni Bonoan, ang treasurer ng MBB Global Properties Corp. na pagmamay-ari ng pamilya ni Candaba Mayor Rene Maglanque.

“Kaya naman pala ang palaging depensa ni dating DPWH Secretary Bonoan – isolated case lang daw ang nakita ni Pangulong Bongbong Marcos na ghost project sa Bulacan. Ayaw na siguro ni Bonoan na maungkat pa sa imbestigasyon ang Globalcrete,” wika ni Lacson.



Isiniwalat din ni Lacson na si Mayor Maglanque ang patriyarka ng pamilyang Maglanque na may-ari ng Globalcrete Builders, isang kontratista na kumubra ng P2.195 bilyon halaga ng flood control projects mula 2018 hanggang 2024 sa Bulacan pa lamang. Noong 2024, si Maglanque ang presidente ng Globalcrete at siya mismo ang lumagda sa ilang kontrata kahit dapat ay nag-divest siya.

Pagmamay-ari rin umano ng pamilya Maglanque ang MBB Global Properties Corp. na siyang nagmamay-ari ng halos P1-bilyong Wyndham Garden Hotel sa Clark, Pampanga. Batay sa 2024 General Information Sheet ng MBB, si Macy Monique Maglanque ang presidente ng kumpanya; si Sunshine M. Bernardo ang corporate secretary; at si Bonoan-Dela Cruz ang treasurer.



Dagdag pa ni Lacson, ang inisyal ng kumpanya na MBB ay nangangahulugang Maglanque, Bernardo, Bonoan. Si Bernardo, ang corporate secretary, ay anak ni DPWH Undersecretary Roberto Bernardo na nag-early retirement matapos masangkot sa isyu ng flood control, habang si Macy ay anak ng alkalde.

“Kayo na po ang mag-‘connect the dots,’” saad ni Lacson. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">