Advertisers

Advertisers

Lacson, naglabas ng ‘Resibo’ sa papel ng DPWH Usec sa maagang budget insertions

0 17

Advertisers

NAGLABAS kahapon ng resibo si Senador Panfilo “Ping” M. Lacson kaugnay sa pagkakasangkot ng isang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na umano’y tumawag at nag-imbita sa hindi bababa sa isang mambabatas upang magsagawa ng maagang insertions sa budget para sa 2026.

Sa kanyang privilege speech, ipinakita ni Lacson ang screenshot ng isang mensahe mula kay “DPWH Usec. Ma. Catalina” na ipinadala kay Senate President Vicente Sotto III, makalipas lamang ang ilang araw matapos siyang manalo sa senatorial polls noong Mayo.

Inilabas ni Lacson ang resibo matapos tanggihan ni Cabral kay DPWH Sec. Vince Dizon ang papel niya sa isyu.
“Let me put this one issue away first. The Usec that I mentioned to have offered our Senate President to make “insertions” in the 2026 NEP vehemently denied it to her new boss, DPWH Sec Vince Dizon, and to his face at that – was actually lying through her teeth. Dapat alam niya na hindi ako basta nagsasalita nang walang katibayan m,” ani Lacson.



Binigyang-diin niya na ang mensaheng ito ay humihingi ng mga proyekto mula kay Sotto upang maisama sa National Expenditure Program. Tinanggihan ni Sotto ang imbitasyon.

Ayon sa screenshot, tinanong umano ni DPWH Undersecretary Catalina Cabral si Sotto kung may priority projects siya para sa “vetting” laban sa redundancy, overlap, prior funding, tamang lokasyon at alignment sa national priorities, at consistency sa menu para sa local projects.



“Para masama ko po sa NEP Sir,” ayon sa mensahe.

“Ayan po ang resibo: ‘Para maisama ko po sa NEP sir’ — her words, not mine. Sabi nga ng mga abogado – ‘res ipsa loquitur’,”pagtatapos ni Lacson. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">