Advertisers

Advertisers

Maine Mendoza todo- tanggol sa mister vs kickback issue

0 7

Advertisers

Hindi na napigilan ni Maine Mendoza na magsalita matapos idawit ng kontrobersiyal na contractor na si Curlee Discaya ang kanyang asawang si Quezon City Rep. Arjo Atayde sa flood control anomaly.

Sa pahayag sa kanyang X account, tahasang ipinagtanggol ni Maine si Arjo at nanindigang walang ginagawang masama ang mambabatas.

“Teka lang muna, those are baseless allegations. Please refrain from throwing hate and personal attacks at him, including me and our family until facts come out. I am with my husband in this. Wala siyang ginagawang masama sa loob,” saad ni Maine.

Giit pa niya, mula’t simula ay tapat na naglilingkod si Arjo sa kanyang distrito sa Quezon City.

Dagdag pa niya, nananalangin siyang mapanagot ang totoong may sala sa isyu at hindi makaladkad ang mga inosente.

“He has been doing his best to serve the people of his district in Quezon City since the beginning. I sincerely hope and pray that the people who are TRULY responsible will be held accountable and that innocent individuals be spared from this mess. Napaka unfair,” sey niya.

Matatandaang sa Senate Blue Ribbon Committee hearing nitong Lunes, Setyembre 8, kabilang si Atayde sa mga kongresistang isiniwalat ni Discaya na nag-solicit umano ng pera matapos manalo ang kanilang kompanya sa isang government project.

Ellen Adarna itinangging hiwalay na sila ng asawang si Derek

Itinanggi ng actress na si Ellen Adarna na hiwalay na sila ng asawang si Derek Ramsay.

Kasunod ito sa lumabas na usapin na kapwa-nag-unfollow ang dalawa sa kanilang Instagram account.

Sa kaniyang social media account ay ipinakita nito ang screenrecording niya ipinakita na naka-follow pa rin ito sa actor.

Nilinaw ito na maaring nagkaroon ng problema ang kaniyang IG kaya hindi makita ng ilang followers ang pangalan ng actor.

Magugunitang lumabas ang usapin na nagkaroon ng paghihiwalay at problema sa kanilang pagsasama ang dalawa ng mapansin ng mga fans ang pag-unfollow nila sa kapwa isa.

Nanawagan ang actress na tigilan na ang pagpapakalat ng mga pekeng balita.