Advertisers
SINIGURO ng Philippine National Police (PNP) na makakasuhan ang mga nadakip na nag-riot at nanggulo noong Linggo sa gitna ng kilos-protesta sa Maynila.
Pinasiguro ni PNP chief Lt. General Jose Melencio Nartatez, Jr. sa mga imbestigador na “airtight” ang isinampang kaso laban sa mga ito.
Sa ngayon, patuloy ang pangangalap ng ebidensya ng mga imbestigador ng pulisya mula sa pagtatanong o interogasyon sa mga naares-tong suspek hanggang sa pagsusuri sa kanilang mga post sa social media para magamit sa pagsasampa ng kaso.
Inatasan ang mga pulis na dineploy sa mga kilos-protesta noong Linggo na magpatupad ng maximum tolerance, subali ‘t pagdating ng bandang hapon ay nagpasimuno ng kaguluhan ang grupo ng mga naka-maskarang lalaki sa Aya-la Bridge at sa Mendiola, Linggo ng gabi.
Nasa 95 pulis ang nasugatan, at ilan sa kanila ang nagtamo ng seryosong injuries na kinailangan ng atensyong medikal.
Sa kabuuan, 216 indibdi-wal ang naaresto – 127 adults at 89 menor de edad.
Sa mga menor de edad, 65 ang ‘children in conflict with the law’ at nasa edad 15 hanggang 17, habang 24 ang ‘children at risk age’ at edad 14 pababa.
Nakikipag-ugnayan na sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga pulis para sa mga menor de edad.(J.Domenden)