Advertisers
Nagpapasaklolo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Renaissance School of Science and Technology (RSST) na tulungan nito ang mga mag-aaral.
Dahil sa apektado umano ang kanilang paaralan sa pagbabawas ng alokasyon mula sa Technical Education Skills and Development Administration o (TESDA).
Ang pribadong paaralang Renaissance School of Science and Technology ang s’yang katuwang ng Morong Rizal Local Government Unit para sa pagpapatupad ng libreng edukasyon ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan na absorptive capacity ng 1,400.
Ngayong taon, ang applicants para sa 3 years diploma course ay umabot ng 2,000 mas mataas ito ng may 25 porsyento sa kasalukuyang absorptive capacity. Subalit, binigyan lamang sila ng alokasyon na 250 kaya’t umaabot sa 1,100 deserving student ang mawawalan ng oportunidad na makapagpatuloy ng pag-aaral.
Ayon kay RSST Chairman Ms. Cathy Guiyangco Curtiz, araw – araw silang nakakatanggap ng tawag at pinupuntahan ng mga estudyante at magulang na nagpa-follow-up ng scholarship ng kanilang mga anak, minsan nakakaranas pa sila ng pambabash.
“Araw araw po kaming pinupuntahan, tinatawagan o pinadalhan ng mensahe ng mga magulang at estudyante para sa scholarship, kaya lang wala kaming magawa dahil 250 nga lamang ang ibinigay na alokasyon,” ayon kay Chairwoman Curtiz.
“Sa kasalukuyan, willing naman kami na I – cater ang kahit 100 estudyante pero hindi namin maibibigay ang full scholarship dahil masyadong malaki ang gastos na aabutin ng 33 Million, kaya sasagutin ng estudyante ang laboratory at ibang gastusin, kaya lang, paano naman ang mahigit pa sa 900 na matitigil sa kanilang pag-aaral,” ayon pa Kay Curtiz.
Sa nakalipas na taon, ang alokasyon ng pamahalaan sa RSST ay mahigit sa 1,000 subalit binigyan lamang ngayon nang TESDA ng alokasyon na 250.
Kaya’t, nananawagan sila hindi lamang sa TESDA kundi maging kay Pangulong Marcos Jr. na tulungan ang kanilang paaralan at ang mga estudyante na maipagpatuloy pa ang kanilang pag-aaral.