Advertisers
POSIBLENG patawan ng multa ng hanggang P300 bilyon ang construction firms na pag-aari ng kontrobersyal na mag-asawang Curlee at Sarah Discaya dahil sa umano’y mahigit isang libong kontrata sa flood control, sinabi ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon kay DPWH secretary Vince Dizon, nakuha ng mga kumpanyang pag-aari ng Discaya ang 1,214 flood control contracts mula 2016 hanggang 2025 na nagkakahalaga ng P77.934 bilyon.
Dahil dito, sinabi ni Dizon na aabot sa P300 bilyon ang multa ang maaring ihain laban sa mga Discaya dahil ang pinakamataas na parusa ay P250 milyon bawat kontrata.
Samantala, binawi ng DPWH ang contractor licenses ng siyam na kompanya ni Discaya matapos mabunyag ang mga iregularidad sa mahigit isanglibong government projects.
Ginawa ni Dizon ang anunsyo matapos ibigay ng DPWH sa Philippine Competition Commission (PCC) ang dalawang kaso ng bid-rigging na kinasasangkutan ng flood control projects.
Ang PCC ay isang quasi-judicial body na may tungkuling parusahan ang mga anti-competetive deal. (Jocelyn Domenden)