Advertisers

Advertisers

73 NA PATAY SA LINDOL SA CEBU

0 94

Advertisers

INANUNSYO ng Office of Civil Defense (OCD) na nagtapos na ang search, rescue, at retrieval operations sa Cebu matapos ang magnitude 6.9 na lindol.

Umakyat na sa 73 ang bilang ng mga nasawi at lahat ng nawawala ay natukoy na.

Kabilang sa mga biktima ang isang bata at ang kanyang ina na nadaganan sa loob ng kanilang pension house, gayundin ang isang 17-anyos na dalagita na nasawi nang subukang sagipin ang kanyang ina at sanggol na kapatid.



Sa San Remigio, natagpuan din ang anak ng referee na si Gemma Destura na naipit sa gumuhong sports complex.

Samantala, nananatili paring nasa labas ang mga pasyente ng Cebu Provincial Hospital kahit idineklara na ng mga inhinyero na ligtas ang gusali, dahil takot parin ang marami sa mga aftershock.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">