Advertisers
ISANG Lalamove rider ang binaril at napatay ng tatlong hindi pa nakikilalang mga lalaki nang tangkain umano nilang holdapin habang magdadala ng pagkain sa isang customer sa Barangay 190 ng Pasay City.
Kinilala ni Police Col. Joselito De Sesto, hepe ng Pasay City Police, ang biktima na si Marvin Avencilla Realino, 31,nakatira sa 2866 Aurora Blvd., Sta Cruz,Manila. Siya ay nagtamo ng tama ng bala sa ulo at idineklarang dead-on-arrival pagdating sa Pasay City General Hospital.
Sinabi ni De Sesto na nangyari ang insidente dakong alas-6:25 ng gabi., sa BAC 1-II Street , Don Carlos Village, Barangay 190, Zone 20.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng Pasay City Police Baclaran Substation, sinubukang agawin ng biktima ang baril ng mga suspek ngunit nabigo kaya binaril ito sa ulo.
Dagdag pa ng hepe ng pulisya sa lungsod, sa pamamagitan ng CCTV footage mula sa pinangyarihan ng krimen, natukoy na ang dalawa sa tatlong suspek, habang ang pangatlo ay nananatiling hindi kilala.
Sinabi ni De Sesto na patuloy ang follow-up operations para madakip ang mga kriminal. (JOJO SADIWA)