Advertisers

Advertisers

Mangingisda paralisado sa kinaing ‘devil crab’

0 10

Advertisers

PARALISADO ang isang mangingisda matapos kumain ng nakalalasong “devil crab” sa Barangay Ransang, Rizal, Palawan.

Ayon sa kanyang anak, ang biktima na si Rogelio Dumaan ay kagagaling lamang sa pangingisda gabi ng Oktubre 7 at agad niyang ipinaluto at kinain ang nahuli niyang alimasag—na hindi nila alam na may lason.

Ilang minuto matapos kumain, nakaramdam ng matinding pagkahilo at panghihina si Dumaan kaya agad siyang isinugod sa ospital, kungsaan nananatiling naka-admit at paralisado ito.



Naglalaman ang devil crab ng Tetrodotoxin at Saxitoxin, mga neurotoxin na maaaring magdulot ng paralisis o kamatayan kahit sa maliit na bahagi lamang.

Dahil dito nagpaalala ang mga awtoridad sa Palawan sa publiko na mag-ingat sa mga nakalalasong pagkaing-dagat.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">