Adamson umusad sa second round SSL Unity Cup
Advertisers
TINALO ng Adamson University ang Arellano University, 25-21, 25-17, 25-19,Huwebes para umabante sa second round ng 2025 Shakey’s Super League (SSL) Unity Cup sa Rizal Memorial Coliseum sa Malate, Manila.
Joy Aseo nagtapos ng 12 points off eight attacks at four aces para makamit ng Lady Falcons ang kanilang pangalawang dikit na panalo para Samahan ang Far Eastern University (FEU) susunod na round.
Haharapin ng Adamson ang Invitationals Batangas leg champion FEU sa huling araw ng preliminary round Biyernes.
Jazmine Palalon umiskor ng seven points habang si Jayde Dela Cruz may six points para sa Arellano,na may 1-2 win-loss record.
Samantala, Nakaligtas ang College of Saint Benilde sa Ateneo de Manila University, 18-25, 25-13, 25-23, 33-31, para mawalis ang Pool D.
Pinamunuan ni Zamantha Nolasco ang four-time NCAA champion Lady Blazers sa iniskor na 19 points off 15 kills at four kill blocks,habang Shahanna Lleses at Rhea Densing umiskor ng 12 at 11 points, ayon sa pagkakasunod.
Ana Hermosura nagdeliver ng 19 points, Zey Pacia may 17 points at Faye Nisperos nagdagdag ng 14 points para sa Ateneo.