Advertisers
TINALAKAY sa House Committee on Agriculture ang inihain na House Bill No. 138 ni Oriental Mindoro first district Congressman Arnan C. Panaligan, kasama ang iba pang kaugnay na panukalang batas, na layong ibalik ang kapangyarihan ng pamahalaan—sa pamamagitan ng Department of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA)—na kumikilos sa merkado upang mapatatag ang farm gate price ng palay at market price ng bigas.
Ayon kay Panaligan, nakita sa mga nakaraang taon na hindi natupad ang layunin ng Rice Liberalization Law (Republic Act No. 11203), na siyang nag-alis sa kapangyarihan ng gobyerno na makialam sa merkado ng bigas at palay. Sa halip, bumagsak ang presyo ng palay na labis na nakaapekto sa mga magsasaka, habang nanatiling mataas at di-abot-kaya para sa mamimili ang presyo ng bigas kahit dumagsa ang imported supply.
Binanggit ng kongresista na layunin ng kanyang panukalang batas na repasuhin ang Rice Liberalization Policy at muling bigyan ng sapat na kapangyarihan ang pamahalaan upang ma-stabilize ang presyo ng palay at bigas—isang hakbang na aniya ay magtitiyak ng rasonableng kita para sa mga magsasaka at abot-kayang presyo ng bigas para sa mga mamimili.
Dagdag pa ng mambabatas, maging ang mga bansang pangunahing tagagawa ng bigas tulad ng China, Indonesia, Malaysia, at Vietnam ay nananatiling may sapat na kontrol sa merkado upang mapangalagaan ang kanilang lokal na industriya at kapakanan ng mga konsyumer.
Keep up the good at Mabuhay ka Congressman Panaligan Sir!