Advertisers

Advertisers

P6.5B pondo ng BARMM pinaiimbestigahan ng Kamara sa COA

0 29

Advertisers

Humihirit ang House Committee on Public Accounts sa Commission on Audit (COA) na imbestigahan ang P6.5 bilyong pondo ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao noong 2024.

Partikular na pinabubusisi ng komite ang umano’y paggamit sa pondo ng Local Government Support Fund (LGSF) sa apat na buwang disbursement sa panahon ng dating Chief Minister Ahod B. Ebrahim.

Sinabi pa ng komite na ang kasong ito ay nangangailangan ng tinatawag na “specialized forensic investigation beyond standard audit procedures” dahil sa posibleng mga kasong pandarambong, graft at malversation of public funds na kakaharapin ng mga dating opisyal nito.



Ang kaukulang direktiba ay nakasaad sa Committee Report No. 1502, na nagresulta sa mga isinagawang pagdinig ng committee hinggil sa sinasabing “systematic scheme to redirect public funds.”

Kaugnay niyo hinimok ng komite and COA na busisiin ang may halos P1.5 bilyon disbursement kada buwan ng panahong si Ebrahim pa ang mismong Chief Minister at Presidente ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP).



Sinabi pa ng komite na ang mga anomalya- mula sa political favoritism hanggang posibleng financial kickbacks na nangangailangan ng specialized forensic capabilities ng COA para sa maayos na imbestigasyon.

Isinaad sa committee report ang mga ebidensiya ng isang masalimuot na operasyon na ang layunin ay waldasin sa pulitikal at personal na kadahilanan ang kaban ng bayan.



Napag-alaman sa imbestigasyon ng Mababang Kapulungan na ang P6.4 bilyon ay inilabas ng dating Chief Minister sa loob lamang ng apat na buwan bago sana sa naitalagang unang BARMM Parliamentary Election para sana sa eleksyon ng Mayo 2025 elections. Napag-alam na bumuhos ang pondo para sa mga Local Government Units (LGUs) at barangays na kaalyado ng ruling United Bangsamoro Justice Party (UBJP).

Ang report ay naglalaman ng mga testimonya ng mga lokal na opisyal na nagsabing napilitan silang tanggapin ang mga milyong piso para sa mga proyektong hindi naman nila hiningi. Ang iba naman sa kanila at pinilit umanong isoli ang pondio sa tinatawag na “return-to-sender” arrangement dahil hindi na nga natuloy ang halalan.

Hindi din umano nakatanggap ang ilang LGUs na maka-oposisyon sqamantalang ibang barangay naman ay tumanggap din ng aabot sa P25 million. (Boy Celario)