Advertisers
FEEL ni Senador Win Gatchalian buwagin na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at bumuo nalang ng bagong ahensiya na hahawak sa mga infrastructure projects ng gobierno.
Sirang sira na raw kasi ang institution. Damaged na! Gawa ng mga personnel partikular ng mga opisyal, planning at project engineers.
Hindi tama ang naisip na ito ni Gatchalian. Malaking gastos!
Mas maige na sibakin at kasuhan ang mga tiwaling personnel, alisan ng lisensiya at i-ban sa government offices ang mga ito. Tingnan natin kung magkaroon pa sila ng kapal ng mukha na gagawa ng ikasisira ng kanilang career at ikakapobre nila. Mismo!
At dapat i-ban for life na ang mga kontraktor na sangkot sa mga katiwalian. Mismo!
Pero sa totoo lang, mga pare’t mare, ang korapsyon ay nagsisimula sa mga politiko, tagapagtaguyod ng proyekto.
Tulad ng mga ibinunyag ng DPWH engineers sa iniimbestigahang multi-billion flood control projects scandal. Anila, pagkababa ng pondo sa kanilang departamento ay humihirit agad ng hanggang 30 percent na kickback ang politiko. Example: Kung P100m ang ibinabang pondo, P30m agad dito ang mapupunta sa bulsa ng politiko. Kaya P70m nalang, tapos kukupitan pa ito ng ibang opisyal na pipirma sa proyekto. Kaya halos 40 to 50 percents nalang ang matitira para sa proyekto. Resuta: Substandard ang project kundi man ay hindi matapos o wala na talagang nagawa.
Sabi nga ng bagong DPWH Secretary na si Vince Dizon, sa 8,000 flood control projects na kanilang inimbestigahan, higit 400 ay hindi makita, multo!
Nabuking din sa pagpapatuloy ng mga imbestigasyon na pati ‘farm to market roads’ at health centers ng Department of Health (DoH) ay overpriced, substandard at may multo rin! Animal!!!
Ang overpriced farm to market roads sacandal ay ibinunyag ni Gatchalian, habang sina Congressmen Chel Diokno at Liela De Lima ang nagsiwalat sa mga ‘di makita o ‘di natapos na mga health center sa kabila ng bilyones na ang inilabas na pondo para sa mga center na ito. Tsk tsk tsk…
Sa imbestigasyon, nadiskubre na tatlong kontraktor ng DPWH na sangkot sa flood control scandal ang may gawa rin sa mga multo at depektibong health centers. Aray ko!
Dapat may mga makulong sa grabe nang katiwaliang ito, Mr. President BBM, Sir!
Say ng Malakanyang, sasakupin narin ng Independent Commission for Infrastructute (ICI) ang imbestigasyon sa overpriced farm to market road projects ng DPWH. Subaybayan!
***
Mungkahi ng marami, Mr. President BBM, isapubliko ang mga pagdinig ng ICI sa mga iniimbestigahang indibidwal partikular politiko. Tama!
Dapat updated ang taongbayan sa ginagawang imbestigasyon ng ICI.
Dapat nakikita at naririnig ni Juan dela Cruz ang mga argumento ng mga akusado at ng mga testigo.
Dapat kasama ang taongbayan sa pagkaliskis sa mga rason ng mga taong ito.
Oo! Dapat maging bukas sa lahat ang imbestigasyong ito tulad sa Kongreso, kungsaan nakakapagdagdag pa ng impormasyon ang taongbayan.
Think it carefully, Mr. President…
Subaybayan!!!