Advertisers
Higit anim kilo ng hinihinalang marijuana ang nasamsam ng mga pulis sa isinagawang buy bust operation sa Brgy. Malis, Guiguinto, Bulacan
Sa report na tinanggap ni PNP Provincial Director PCol. Angel Garcillano kinilala ang suspek na si alyas Botong, 29-anyos, at residente sa nabangit na lugar.
Sa report, 1:15 ng madaling araw nitong Oktubre 10, 2025 nang masukol ang suspek bitbit ang illegal na droga.
Tinatayang 6,020 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nakumpiska na nagkakahalaga ng Php 601,000.00
Samantala, detenido na ang suspek sa Guiguinto Municipal Jail sa kasong paglabag sa RA 9165.(Thony D. Arcenal)