Advertisers
ANG Partido Demokratiko Pilipino (PDP) ang bagong kinikilalang oposisyon sa bansa. Ito ang pahayag ni deputy spokesman Atty. Ferdinand Topacio kasabay ng kanyang babala na sinumang magtangka na ito ay sikilin ay mapanganib at maaaring magresulta sa karahasan.
Sa kanyang pagsasalita sa “MACHRA Balitaan” news forum ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) na ginanap sa Century Seafood Restaurant in Malate, Manila kamakailan, sinabi ni Topacio na anumang pagtatangka na sikilin ang isang lehitimong partidong oposisyon ay lubhang mapanganib para sa gobyerno.
Binanggit ng kilalang abogado ang Isang pagtatangka na iugnay siya at ang PDP-national capital region President, former City Administrator Bernie Ang sa karahasang naganap sa nakaraang anti-corrupion rally sa Manila.
Sinabi ni Topacio na Isang malinaw na mensahe ang natanggap ng legit na oposisyon at ito ay huwag silang makisali sa rally dahil kung makikisali sila ay aakusahan sila ng mga mga bagay na di kapanipaniwala.
“If such efforts to deter the legitimate opposition from exercising the Constitutional right to peaceably assemble to petition the government for redress of grievances succeeds, “who else will be left? Ang matitira diyan, sino? ‘Yung violent opposition. Kaya ‘wag ninyo sikilin ang centrist opposition dahil ‘yan ang peaceful opposition,” giit ni Topacio .
Idinagdag pa ni Topacio na ang legitimate opposition ay naniniwala sa regular electoral process at kumikilos ng naaayon sa Saligang Batas. At kung lantad na ang legitimate opposition, ang natitirang oposisyon ay kikilos para gumawa ng extra-constitutional na paraan para makuha ang kanilang gusto.
“‘Yan ang danger kung tatakutin ninyo ang lehitimong oposisyon,” sabi ni Topacio, at idinagdag nito na ang PDP bilang emerging major opposition dahil ang mga ‘yellows’, ‘pinks’ at mga makakaliwa ay naging malapit na administration. (ANDI GARCIA)