Advertisers
HINILING ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III sa Department of Justice (DOJ) ang agarang kanselasyon ng pasaporte ni dating Ako Bicol Rep. Rizaldy Co matapos itong magbitiw bilang miyembro ng Kamara de Representantes noong Setyembre 29.
Ayon kay Speaker Dy, agad siyang nakipag-ugnayan kay dating DOJ Secretary at ngayo’y Ombudsman, Jesus Crispin “Boying” Remulla para sa agarang aksyon at mahigpit na ipagbawal at restrikyon hinggil sa pagbyahe ni Co abroad sa gitna ng patuloy na imbestigasyon kaugnay ng mga iregularidad sa public works projects kung saan nasasangkot ang dating mambabatas.
Sinabi ni Dy na bagamat ang Department of Foreign Affairs (DFA) ang s’yang may buong awtoridad ukol sa pagkansela ng ng mga pasaporte, hiningi umano ng Kongreso ang tulong at asiste ng DOJ sapagkat ang usapin aniya ay may kaugnayan hinggil sa ibayong dagat kung kaya’t ang nararapat dito ay ang Bureau of Immigration (BI) upang mapabilis ang koordinasyon.
“Ang DOJ kasi po, sila ‘yung aming kinausap kaagad para sa ganoon gumawa rin sila ng tamang hakbang, ng tamang proseso para makansela nga po ang kanyang (Co) passport,” paliwanag pa ni Speaker Dy. (Henry Padilla)