Advertisers

Advertisers

FLOOD CONTROL PROJECTS, MAAARING ISABAY SA IRRIGATION SYSTEMS – PBBM

0 14

Advertisers

Pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na lahat ng gagawing irrigation projects ay may kasamang flood control component upang sabay na masolusyonan ang pagbaha at kakulangan sa patubig.

Sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng Union Water Impounding Dam sa Brgy. Union, Claveria, Cagayan, ipinag-utos ni PBBM sa mga ahensya na gawing standard ang ganitong combined projects upang maprotektahan ang mga sakahan at kabahayan.

Binigyang-diin naman ng Pangulo ang patuloy na modernisasyon ng mga irigasyon, drainage, at service canals sa tulong ng DA-Bureau of Agricultural and Fisheries Engineering (BAFE), NIA, at DPWH.



Sinasabing bahagi ito ng mas malawak na plano ng administrasyon upang mapabuti ang food security at agricultural productivity sa buong bansa. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">