Advertisers
KAMAKAILAN naglabas ng resolusyon ang Senado para hilingin sa International Criminal Court (ICC) na i-house arrest nalang si dating Pangulo Rody “Digong” Duterte dahil matanda na ito at may sakit pa.
Pumirna sa resolusyon ang mga DDS senator na sina Alan Peter Cayetano, Bong Go, Bato dela Rosa, Imee Marcos, Robinhood Padilla, Mark Villar, Joel Villanueva at Rodante Marcoleta, pati sina Ping Lacson, Loren Legarda, Sherwin Gatchalian, Migz Zubiri, Erwin Tulfo at magkapatid na Jinggoy at JV Estrada.
Ang DDS senators ay talagang ginagawa ng lahat para mailabas sa ICC facility sa The Hague, Netherlands at maibalik sa Pilipinas si Digong. Dahil malaking kawalan sa kanila ito lalo ‘pag eleksyon, at malaki ang utang na loob nila sa dating Pangulo.
Pero itong sina Lacson, Legarda, Gatchalian, Zubiri, Tulfo at mag-utol sa ama na Estrada ay nakikisakay nalang ito dahil malaki-laki parin ang bilang ng DDS. Ikatatalo nga naman nila sa mga sunod na eleksyon ‘pag ‘di sila dinala ng DDS community.
Batid din naman ng mga balimbing na senador na hindi sila pakikinggan ng ICC, kaya okey lang sa kanila na pumirma sa resolusyon tutal ‘di naman talaga palalayain ng international tribunal ang mamamatay-tao na dating Pangulo eh.
Yun nga…binasura ng ICC Chamber 1 ang hirit ng kampo ni Duterte na house arrest o ‘interim release’ ni Duterte. At ang rason ng pagdenay ng ICC ay base narin sa mga brutal na statement ng mga anak at mga dating gabinete, na ang iba ay nasa kapangyarihan pa.
Oo! The more na inaatake ng mga anak at kaalyado ni Duterte ang ICC ay lalong nadidiin ang dating pangulo. More talks, more mistakes.
Hindi ako abogado, pero kung nagpakumbaba, nag-submit ng dasal, at hinayaan nalang sana ng kampo ni Duterte ang proseso ng ICC sa pagdinig sa kaso ni Duterte, hindi ginagawan ng delaying tactics, baka napalaya na ang dating pangulo. Eh kaso iniinsulto at lalo nilang ginagalit ang ICC judges e…
Baka mamatay nalang sa kulungan ng ICC si Duterte ay hindi pa nadidinig ang kanyang kasong ‘Crimes against humanity’. Mismo!
***
Natatawa ako rito sa mukhang sinto-sinto na kongresista sa Cavite, si Kiko Barzaga.
Na-late daw siya sa hearing ng kanyang komite dahil napuyat siya sa paglalaro sa computer. Animal!!!
Si Kiko, isang college dropout na ang naging armas sa pagpasok sa politika ay anak ng mga trapo sa kanyang distrito sa Cavite, ang nag-oranisa ng anti-Marcos rally sa Forbes Park na dinaluhan ng more or less 50 katao, karamihan pa ay mga bayarang vlogger.
Lugi ang constituents ni Kiko sa kanya. Iboboto pa kaya nila ito sa 2028? Let’s see!!!
***
Dinenay ni Senate President Tito Sotto ang hirit nina ex-DPWH Engineers Henry Alcantara, Brice Hernardez at Jaypee Mendoza na i-house arrest nalang sila. Ang tatlo ay nakakulong sa Senado.
Say ni Sotto, si Curlee Discaya nga hindi humiling ng house arrest eh pareho lang naman ang kanilang kaso. Mismo!