Advertisers
HINDI dumalo sa pagdinig ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang dating kongresista na si Zaldy Co sa kabila ng subpoena na ipinadala ng komisyon nitong Martes, Oktubre 14.
Sinabi ni ICI Spox Atty. Brian Keith Hosaka, pinag-aaralan na ng komisyon ang paghahain ng petition for citation in contempt sa Regional Trial Court, na maaaring magresulta sa paglabas ng arrest warrant laban kay Co.
Si Co ang dating chairperson ng House Committee on Appropriations at nadadawit din sa maanomalyang flood-control projects.