Advertisers

Advertisers

Zaldy Co sangkot sa laptop anomaly ng DepEd – VP Sara

0 18

Advertisers

ISINIWALAT ni Vice President Sara Duterte na sangkot umano si dating Ako Bicol Representative Zaldy Co sa kontrobersyal na laptop procurement ng Department of Education (DepEd).

Ayon kay VP Sara, nagsagawa siya ng imbestigasyon habang siya pa ang kalihim ng DepEd.
Sunwest Construction and Development Corporation aniya ang kontraktor ng laptop sa DepEd.

Dagdag pa ni VP Sara, lumabas sa kanilang pagsusuri na may mga iregularidad sa pagpapatupad ng kontrata kaugnay ng laptop project.



Ang laptop scandal ay unang lumutang matapos mabunyag ang umano’y labis na presyo at mabagal na delivery ng mga laptop na nakalaan para sa mga guro sa gitna ng pandemya.