Advertisers

Advertisers

Ashley Ortega pasado kay Carmina bilang gf ni Mavy

0 21

Advertisers

Masaya si Carmina Villarroel sa relasyon ng anak niyang si Mavy Legaspi sa aktres na si Ashley Ortega.

“I love Ash,” ani Carmina sa presscon ng bagong GMA series Hating Kapatid. “She’s very respectful and sweet. Nakatrabaho ko na siya before, kaya happy ako sa kanila.”

Sa kabila ng mga intrigang pinagdaanan, positibo pa rin ang aktres.

“After the storm, the sun shines in. Ang dami naming blessings as a family,” dagdag pa niya.

Gladys Reyes mas dumami ang fans dahil sa pagiging kontrabida!

Lalong dumami ang fans ni Gladys Reyes dahil sa pagiging kontrabida niya sa ‘Cruz vs. Cruz.’

“May nagpapasampal pa nga sa akin na mga kabataan sa labas, nakakatawa!” biro ni Gladys.

Bukod dito, bida rin siya sa musical film ‘The Heart of Music’ kasama sina Robert Seña at Isay Alvarez.