Advertisers

Advertisers

Voter registration para sa BSKE umarangkada

0 15

Advertisers

UMARANGKADA nitong Lunes, Oktubre 20, ang unang araw ng voter registration para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataang Elections (BSKE).

Alas-8:00 pa lamang ng umaga ay maagang pumila ang mga magpaparehistrong bagong botante sa Luneta Park, isa sa registration sites ng Commission on Elections (Comelec).

Mahaba ang pila, na-ngangahulogang marami ang nagnanais na makalahok sa darating na halalang pangbarangayan sa sunod na taon.

Inaasahan ng Comelec na aabot sa 1.4 milyon ang mga bagong registrant para sa BSKE 2026.

Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, hindi lamang sa Luneta umarangkada ang voter registration kundi mayroon din sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), at Pa-mantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).

Bukod dito, target ding dalhin ng Comelec ang voter registration sa mga malalayong lugar bilang bahagi ng Special Register Anywhere Program.

Magkakaroon din ng Register Anytime Program, kungsaan ilalagay ang registration booths sa mga paliparan, ospital, at call center areas para sa mga nagtatrabaho sa gabi.

Para sa mga magpaparehistro, magdala lamang ng government-issued ID. Hindi na tatanggapin ang cedula, company ID, barangay ID, o barangay certificate.

Tatanggapin din ang lahat ng uri ng aplikasyon, kabilang ang transfer of registration.

Tatagal ang voter registration para sa BSKE hanggang Mayo 18, 2025, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, Lunes hanggang Sabado, kabilang ang holidays. (Jocelyn Domenden)