Advertisers

Advertisers

8 dayuhan inaresto ng BI sa magkakahiwalay na operasyon sa Catanduanes at Cagayan de Oro

0 12

Advertisers

INANUNSYO ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakadakip ng walong dayuhan sa magkakahiwalay na operasyon ng mga alagad ng batas sa Catanduanes at Cagayan de Oro City. Pawang paglabag sa Philippine immigration laws ang kaso ng mga nadakip.

Sa Catanduanes, ang mga operatiba ng Regional Intelligence Operations Unit 5 (RIOU-5) ng BI sa pakikipagtulungan ng Armed Forces of the Philippines, Philippine Navy, at intelihensya ng gobyerno, ay naaresto ang Chinese nationals na sina Xiaoqi Ding, 44, at Yuzhi Wang, 62, sa Barangay Cavinitan, Virac, noong October 7.

Huli sa akto ang dalawa habang nagtatrabaho sa isang supply shop nang walang kaukulang employment permits, na paglabag sa Philippine immigration laws.



Ayon sa BI Intelligence Division, sina Ding at Wang ay napag-alamang nagtatrabaho sa establisiyemento na wala sila nang kinakailangang work visa mula sa BI at Alien Employment Permit mula naman sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Ang ikatlong Chinese national, na kinilalang si Lizha Chen, ay napag-alaman ding nagtatrabaho sa nasabing lugar at nagpakita ng Special Resident Retiree’s Visa (SRRV) pero bigong magpakita ng balidong work permit.



Sa hiwalay na operasyon, nadakip naman ng mga ahente ng Regional Intelligence Operations Unit 10 (RIOU-10) ng BI ang limang Indian nationals sa Cagayan de Oro City noong October 9 dahil sa pagtatrabaho ng walang kaukulang visa or permit at gayundin sa ginagawa nitong ‘5-6’ lending operations.

Ang mga inarestong indibidwal ay kinilalang sina Gurwinder Singh, Jeevanjot Singh, Sahib Singh, Bikramjit Singh, at Jaskaran Singh.



Ayon sa RIOU-10, ang operasyon ay naganap sa tanggapan ng mga suspek sa Catarman Street, Barangay Gusa, Cagayan de Oro City.

Nakipag-usap muna ang team sa Philippine National Police (PNP) bago isinagawa ang operasyon.

Nang isinagawa ang verification, ilan sa mga dayuhan ay bigong magpakita ng valid immigration documents, habang ang iba naman ay nagsumite ng kwestyunableng working visa identification cards.

Ang kasama ng grupo ng mga Indiano na si Jaskaran Singh, ay inaresto din dahil sa pagtatangkang pigilan ang pag-aresto ng kanyang mga kababayan at sa pagpiprisinta ng kahinahinalang pekeng visa.

Mananatili ang mga arestadong dayuhan sa kustodya ng BI habang nahaharap sa deportation charges.

Pinuri naman ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang pinagsamang pwersa ng Intelligence Division at ng kanyang regional units sa pagiging vigilant ng mga ito.

“These operations demonstrate our continued commitment to the directive of President Ferdinand Marcos Jr. to uphold immigration integrity and protect our local communities from illegal foreign activities,” sabi ni Viado.

“The Bureau of Immigration remains steadfast in ensuring that foreigners in the country abide by our laws and that those who violate them will be arrested, deported, and permanently banned.” (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)