Advertisers

Advertisers

Titser ni-rape at pinatay sa loob ng kanyang bahay

0 4

Advertisers

NASA kustodiya na ng pulisya ang suspek sa pagkamatay ng 28-anyos na gurong natagpuang walang buhay sa kanyang bahay sa Barangay Pacol, Naga City noong Hul-yo 18.
Ayon kay Captain Arnel Azaña, station commander ng Naga Police Station 4, nadatnan nila ang biktima na nakahandusay sa sahig ma-lapit sa kanyang kama. Wala na ang pang-ibabang takip nito sa kanyang katawan at nakataas narin ang kanyang damit.
Sa tulong ng CCTV at ng mga residente, nakilala ang salarin na si “Jason” sa pa-mamagitan ng mga tattoo nito sa kanyang kamay na nahagip matapos galawin nito ang CCTV camera 3:28 ng ma-daling-araw. Nahanap siya ng mga pulis makalipas ang ilang oras sa Pasacao, Camarines Sur.
“Paglabas niya ng bahay after ng krimen ay ginalaw niya yung CCTV doon sa kanto ng bahay… Paggalaw niya ng CCTV camera, nakalimutan niya na may tattoo pala siya sa kanyang kamay,” sabi ni Azaña.
Narekober ng mga otoridad ang mga gamit na ninakaw ng salarin ang iPhone, tablet at ATM card na positibong tinukoy ng boyfriend ng guro.
Sinasabing suffocation ang sanhi ng pagkamatay ng biktima. Hinihintay pa ang resulta ng examination upang matukoy kung ginahasa ng salarin ang guro.
“Base po sa inisyal na investigation, ‘yung unan, tinakpan ‘yung mukha, suffocate, wala namang ibang tama ‘yung babaeng biktima,” dagdag pa ni Azaña.
Samantala, ayon kay Ma-yor Leni Robredo, mas hihigpitan ang seguridad sa lugar sa pamamagitan ng paglagay ng police outpost at maglalaan ng pondo upang madagdagan ang mga CCTV sa barangay.