Advertisers
NAGING kontrobersyal ang pagbati ni Kris Aquino kay Bea Alonzo sa ika-38 birthday nito nung Oktubre 17.
Aniya, masaya siya para kay Bea dahil kakilala ng kanyang pamangkin ang bf nitong si Vincent Co.
“Happy Birthday! My nephew is a close friend of the one you’re getting to know—your greetings reached me—thank you Bey… You are as beautiful as ever. Hoping to see you in 3 & a half months,” mensahe ni Kris.
Palaisipan sa mga netizens ang bahagi ng mensaheng “in 3 & a half months,” na tinatayang tumutukoy umano sa Enero 2026 na ang ibig sabihin, “That’s a good day to get married—January 18.”
Dahil dito, kumalat ang mga espekulasyong ikakasal na raw si Bea sa President of Puregold Price Club Inc., na agad naman pinabulaanan ng aktres.
Giit ni Bea, hindi totoo ang balitang engaged na siya. Sa ngayon daw ay mas pinipili niyang maging pribado ang ilang detalye tungkol sa kanyang personal na buhay.