Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
Hanggang ngayon ay usap-usapan ang mga naging pasabog ni Mommy Inday Barretto sa vlog ni Ogie Diaz.
Ayon sa ina ni Claudine, matagal daw siyang nanahimik pero naisip niyang magsalita para ipagtanggol ang anak.
Idinetalye rin niya ang tinawag niyang kalbaryo na dinanas ni Claudine sa piling ng estranged husband na si Raymart Santiago.
Aniya, isang battered wife raw si Clau at isinisisi rin niya kay Raymart ang naging mental instability nito noon.
Nabanggit din niya ang tungkol sa pagmamay-ari ni Clau na ang mister ang nakinabang na ngayon ay usapin na sa korte.
Isa rin daw sa ipinagsesentir niya ay ang pagde-deprive ni Raymart sa karapatan sa property ng anak.
Ibinibenta raw ni Clau ang isang property pero dahil mag-asawa pa sila ay nananatiling conjugal daw ito.
Ito ay sa kabila ng katotohanang walang ambag ang aktor sa nasabing investment.
Ayaw daw kasi nitong pumirma sa bentahan kahit pa nagmamakaawa na si Clau at ang anak nito.
Idinawit din niya ang pangalan ni Jodi Sta. Maria na diumano’y karelasyon ni Raymart na nag-advice sa aktor na huwag ibenta ang nasabing ari-arian.
“Nakaraos ka na, you got along, you got away with all the… you broke my child, you broke her soul, you broke everything in her, and yet she’s still fighting para sa mga anak niya, na dapat sa ’yo, tulungan mo!”
Sa isang signature lang, paluluhurin mo ang nanay ng mga anak mo?!” dagdag na tanong niya sa aktor.
Sa isang punto pa sa interbyu, hinaing ni Mommy Inday, “You treated my daughter like a beast, like an animal!”
Tinawag pa niyang Satanas si Raymart at binalaan niya si Jodi hinggil sa naging miserableng buhay ni Claudine sa piling ng asawa.
Bukas naman ang pahinang ito hinggil sa panig nina Jodi, Claudine at Raymart hinggil sa isyu.