Advertisers

Advertisers

Lovely Rivero, sinabing makaka-relate ang viewers sa ‘Hating Kapatid’

0 34

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

ANG veteran actress na si Lovely Rivero ay isa sa casts ng ‘Hating Kapatid’ ng GMA-7 na tinatampukan nina Carmina Villaroel, Zoren Legaspi, Cassy at Mavy Legaspi.

Nagsimula na ito last week at inusisa namin ang aktres hinggil sa naturang afternoon prime series.



Pahayag ni Ms. Lovely, “Ginagampanan ko rito ang papel ni Adela. Kababata ni Roselle, played by Carmina, noong nasa Benguet pa kami. Ako ang confidante niya at voice of reason at nakaka-alam ng mga bagay-bagay at sikreto niya sa buhay.”

Aniya pa, “Hating Kapatid ang title, kasi tampok dito ang kambal na Legaspi siblings na sina Mavy at Cassy, napaghiwalay sila noong ipinanganak, yet dugtong or connected ang kanilang puso at isip gaya ng mapapanood sa istorya.



“Bilang magkapatid, nandoon yung instinct na laging magprotektahan, maging patas at parehas instinctually kahit na ‘di pa nila alam na magkapatid nga sila. Parang “lukso ng dugo” sa mag-ina.

“Ito ay istorya ng mga pusong nagmamahalan na napaghiwalay ng sitwasyon, circumstances at panahon, ngunit nananatili pa rin ang pagmamahal na iyon at koneksiyon dahil na rin na sa nagbunga ito ng mga kambal na anak.”



Kamustang katrabaho ang pamilya nina Carmina at Zoren?

“Napakagaan nilang katrabaho. Pareho ko na silang nakatrabaho before and they are both professionals, nice, friendly, thoughtful at concerned sa proyekto at sa mga kasamahan nila. Maliban pa sa magagaling silang mga artista, na siyang minana rin ng kanilang mga anak.”

So, isa ba itong family drama na serye?

Tugon niya, “Yes, ito ay family drama. A story of love, loss, friendship, betrayal and how each character will journey through life’s many challenges. Makaka- relate po talaga ang manonood sa seryeng ito.

“Ito ay istorya ng isang pamilya na napaghiwa-hiwalay ngunit namanatili ang pag-ibig… along the way ay may mga sikretong mabubunyag at dapat nilang harapin kasama ng iba pang mga tauhan sa serye.”

Aside sa seryeng ito, si Lovely ay mapapanood sa Amazon Prime via the international indie film na ‘The Visitor’. “But for now priority siyempre ang Hating Kapatid on GMA Afternoon Prime. Kaya ang aking lubos at taos-pusong pasasalamat sa mga bumubuo nito at siyempre pa, sa GMA Network na patuloy na nagtitiwala sa akin at nagbibigay ng projects at trabaho.

“Malaki po ang pasasalamat at utang na loob ko sa kanila, kaya naman lalo ko pang pag-iigihan ang aking trabaho. At siyempre pa, salamat sa ating Ama sa langit for the talent, the work opportunities at the provisions. Grateful ako everyday talaga,” masayang sambit pa ni Ms. Lovely.