Advertisers

Advertisers

Pulis sugatan, suspek patay sa engkuentro

0 13

Advertisers

SUGATAN ang isang pulis habang patay naman ang isang suspek at arestado ang isa pa sa isinagawang follow-up operation ng mga operatiba ng Calamba City Police at Laguna Provincial Intelligence Unit sa Brgy. Parian ng Calamba City, Laguna nitong Martes ng gabi, Oktubre 21, 2025.

Kinilala ang nasugatang pulis na si PMSg John Chupeco na tinamaan sa kaliwang braso nang pagbabarilin ng suspek na si alyas “Papalu” na may kasong Murder at sangkot sa serye ng shooting incidents sa nasabing lungsod.

Bago ang engkuwentro, sangkot umano ang suspek na si “Papalu” sa pamamaslang sa biktimang si alyas “Roland” sa Brgy. Uno ng naturang bayan at naunang naaresto ang kasabwat ng suspek na si alyas “Allan” na nakuhaan ng Cal.38 revolver na baril, mga bala, at granada.



Agad naman itinuro ni alyas “Allan” sa mga pulis ang kinaroroonan ni “Papalo” na agad pinuntahan ng mga operatiba nauna umanong nagpaputok sa mga pulis ang suspek, dahilan para gumanti ang mga ito at napatay ang suspek.

Nagpagaling na ngayon sa Calamba Medical Center ang nasugatan na si PMSgt. Chupeco.(Koi Laura)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">