Advertisers

Advertisers

ABOGADO NI TRILLANES

0 30

Advertisers

IPINAKILALA: Atorni Reynaldo Robles. Siya ang manananggol na humahawak sa mga asunto ni Sonny Trillanes sa hukuman. Abogado de kampanilya sa larangan ng kalakalan at iba pa, ngunit nagboluntaryo na magserbisyo kay Trillanes. Hindi siya naningil ng kabayaran sa kanyang serbisyo sa dating senador sa loob ng 21 taon.

Si Atorni Robles ang managing partner ng ChanRobles Law Office, isang bupete na nakabase sa Mandaluyong City. Si Robles ang pangunahing abogado na kasama ni Trillanes sa pagbuo ng kasong plunder, o pandarambong, laban kay Bong Go, ang tiwaling dating utusan ni Gongdi na naging mambabatas. Abot sa P7 bilyon ang nadugas umano ng kompanya ni Bong Go noong si Gongdi ang alkalde ng Davao City.

Maraming manananggol ang nagboluntaryo ng kanilang serbisyo para kay Trillanes, paglilinaw ni Robles. Nagkataon na siya ang bumuo ng iba’t-ibang pananaw at estratehiya sa mga asuntong humarap kay Trillanes sa husgado. Sa maikli, siya ang lead lawyer, aniya.

Maraming asunto na naipanalo ni Robles para kay Trillanes. Pinakahuli ang pagdeklara ng Korte Suprema na labag sa Saligang Batas ang Presidential Proclamation 572 na nilagdaan ni Gongdi ika-8 na Setyembre, 2018 upang ipawalang bisa ang presidential amnesty na unang ibinigay ni Pnoy. Layunin ng PP 572 na muling ikulong si Trillanes.

Ayon sa desisyon ng Korte Suprema na isinulat ni Associate Justice Maria Filomena Singh at sinang-ayunan ng mayorya ng mga mahistrado, hindi maaaring ipawalang bisa ng Pangulo ang amnestiya na ibinigay sa isang tao kung walang pagsang-ayon ang Kongreso. Nakapaloob ito sa Bill of Rights, sa desisyon na ipinaglaban ni Robles sa Korte Suprema.

Ikinatwiran ng Korte Suprema na paglabag sa karapatan ni Trillanes ang pagbawi sa kanyang amnestiya. Kinatigan ng Mataas na Hukuman ang katwiran ni Robles na paglabag sa ex post facto law at doktrina ng double jeopardy ang PP 572. Nagtapos si Robles ng abogasya sa Far Eastern University at pang sampu sa Bar Examinations noong 1990.

***

KULTURA ng palusot ang umiral kung bakit may desisyon sa hindi pagpapatupad ng dismissal order kay Joel Villanueva (nangangalisag ang aming balahibo na tawagin siyang senador; alam namin na hindi siya karapat-dapat) na unang ibinaba ng noo’y Ombudsman Conchito Carpio-Morales. Mahirap paniwalaan na may secret decision si Samuel Martires na bumaligtad sa desisyon ni Morales.

Tama ang obserbasyon ng ilang netizen. Kapag may hatol na bumaligtad sa unang akusasyon ng corruption, ikinatutuwa ang huling hatol ng pagbaligtad. Ibinabando ito sa mundo ng buong pagmamalaki. Hindi ito ang nangyari. Inilihim ito kasi wala sa lugar ang pagbaligtad ni Martires sa desisyon ni Carpio-Morales. Kaya hindi kapani-paniwala na totoong nilinis ni Martirez ang pangalan ni Villanueva. Isang sabwatan ang nangyari laban sa sambayanang Filipino.

Ang totoo ay naniniwala kami na marumi si Joel Villanueva. Walang kasing dumi. Hindi naaalis ang batik sa kanyang pangalan. Hindi rin kami naniniwala na may basehang legal ang lihim na desisyon. Palusot ito at kailangan linawin sa sambayanan na wala itong bisa. Wala itong matwid at batayang legal. Mas maigi kung hahabulin si Martirez sa desisyon na wala sa lugar. Kailangan rin tingnan kung ano ang mga desisyon na lihit at palusot ni Martirez. Maaaring hindi lang ang kaso ni Joel Villanueva.

***

ABURIDO si Bong Go kaya labis na maingay ang dating utusan ni Gongdi. Maraming sinasabi dahil hindi kumagat si Sonny Trillanes sa alok na suhol na abot sa mahigit isang bilyon piso kapalit ang hindi pagsampa ng asuntong plunder sa Office of the Ombudsman. May matuwid na labis na kabahan si Bong Go. Nonbailable offense ang plunder at diretso sa kulungan si Bong Go sa sandaling umusad ng sakdal.

Retirado na si Samuel Martires, ang tauhan na inilagay ni Gongdi bilang Ombudsman upang pangalagaan ang interes ng mga Duterte at kampon sa sandaling magkakaroon ng sakdal laban sa kanila. Pumalit si Boying Remulla ang dating kalihim ng DoJ na alam nila na hindi sila bibiruin upang tuluyan silang ibagsak.

Bubuksan na rin ang isyu ng Pharmally kung saan abot sa P6.6 bilyon ang nawala sa gobyerno. Kasama si Bong Go sa mga nagsabwatan umano sa malawakang nakawan. Basta pandarambong sa kaban ng bayan, andiyan ang pangalan ni Bong Go lalo na noong panahon ni Gongdi. Siya ang pinagkatiwalaan ni Gongdi sa pandarambong.

***

BALIK sa Senate Blue Ribbon Committee si Ping Lacson. Inaasahan namin iyan. Maraming senador ang walang bilib kay Rodente at kahit kay Pia Cayetano. Tiwali si Rondete at hindi kagalingan si Pia. Parehong mapagpanggap.