Advertisers
TINANGGAP ng Malacañang ang “irrevocable resignation” ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago.
Inihayag ito ni Santiago sa flag ceremony ng NBI noong Lunes, Oktubre 27, dalawang buwan matapos magsumite ng kanyang pagbibitiw.
“Ngayon ay ipinaalam sa akin na sa wakas ay tinanggap na ng Pangulo ang aking hindi mababawi na pagbibitiw,” sabi ni Santiago.
So within the day or these days to come, lalabas na ang order. Magkakaroon na kayo ng panibagong leader,” ani Santiago
Hindi niya ibinunyag kung sino ang hahalili sa kanya, ngunit sinabi ni Santiago na ang kapalit ay iaanunsyo sa susunod na linggo.
Nagsumite si Santiago ng kanyang “irrevocable resignation” noong Agosto 15, na binanggit ang patuloy na pagsisikap ng ilang indibidwal na sirain ang kanyang reputasyon.
Partikular niyang tinugunan ang kanyang inilarawan bilang “malicious” at maling mga ulat na nagsasabing siya ay kumilos bilang isang “bagman” para sa ilegal na online cockfighting (e-sabong) at Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), na mariing itinatanggi ang mga pahayag. (JOJO SADIWA)