Advertisers

Advertisers

Mambabatas, dapat managot sa palpak o multong proyekto

0 17

Advertisers

SA mga proyektong nasyunal na palpak o multo, dapat managot ang tagapagtaguyod o proponent.

Sino-sino ba ang tagapagtaguyod na ito? Obkors si Congressman o kaya’y si Senador. Sila ang may multi-million o bilyones na pondo para sa mga proyekto na gusto nilang ipatupad sa kanilang distrito o saan mang rehiyon na gusto nilang paglagyan ng pondo para magka-kickback. Ehek!

Tulad ni Senador Jinggoy Estrada, taga-San Juan City siya. Pero ang ibinaba niyang pondo sa Departrment of Public Works and Highways (DPWH) ay para sa flood control project sa Bulacan. Kung bakit? Hindi yata sila good ng mayor ng San Juan City na si Francis Zamora. Hehehe…



Okey lang sina Senador Joel Villanueva at Chiz Escudero, ang ibinaba nilang pondo ay para talaga sa lugar nila. Yun nga lang, mga multo raw. Araguy!

Pero ang isyu sa tatlong senador na ito ay “kickback”. Mismong ang mga engineer ng DPWH-Bulacan ang nagsiwalat sa hininging komisyon na 10 hanggang 25 percent ng mga astig na mambubutas este mambabatas ng Republika ng Pilipinas.

Si Zaldy Co, ang kawatan este kinatawan ng Ako Bicol Partylist at founder ng Sunwest Construction na nakakorner ng bilyon bilyong halaga ng proyekto noong tserman siya ng Committee on Appropriations during ng time nila ni ex-House Speaker Martin Romualdez, ay nakakorner ng maraming proyekto sa kungsaan-saang distrito at rehiyon dahil sa kanyang impluwensiya at laking magbigay ng komisyon sa proponent, dahilan naman para maging substandard o kaya’y maging guni-gini nalang ang project dahil nga mahigit kalahati ng pondo ay napunta sa mga komisyon ng mga pumipirma at nag-iinspeksyon sa proyekto.

Kaya hindi maaring hindi managot ang mga tagapagtaguyod o nagbaba ng proyekto. Mismo!



Oo! Ikaw na nagpondo o nagbaba ng proyekto ay dapat iniinspekyon mo kung nagawa o tama ba ang pagkagawa sa proyekto mo? Responsibilidad mo ito eh!!! Right? Lumalabas tuloy na kaya ka lang nagbaba ng proyekto sa isang lugar ay para lang magka-kickback! Aminin!!!

***

Dapat ding gisahin ng ICI si Zaldy Co sa mga road opening o “cross country road” na ginawa ng kanyang kompanyang Sunwest sa mga probinsiya.

Sa Romblon province partikular sa Tablas island, gumawa ng maraming kalsada ang Sunwest. Kinatay nila ang mga bundok, maraming kahoy ang tinumba, para makagawa ng kalsada. Mga kalsada na hindi madaanan dahil ubod ng taas, hindi kaya ng mga ordinaryong sasakyan, nakakatakot. Kaya ang mga kalsadang ito ay hindi na makita ngayon, tinubuan ng mga damo at nagkaroon ng mga sapa sa gitna. Waste of taxpayers money.

Ang masama pa nitong road openings, hinayaan nilang dumaloy ang binuldos na lupa sa mga sapa, dahilan para pumantay ito at nagresulta ng mga grabeng pagbaha sa mga kapatagan.

Ang ginawang ito ng Sunwest sa kabukiran ng Romblon ay hindi mangyayari kung ‘di kasabwat ang congressman ng lalawigan, si “Budoy” Madrona.

Kaya dapat imbestigahan din ng ICI ang lone district congressman ng Romblon. Mismo!