Advertisers

Advertisers

COMMUTING JUDGE

0 12

Advertisers

NABALITAAN niyo ba ang pagkamatay ng isang lady-judge sa Cebu nito lamang nagdaang linggo? Ang kanyang ikinasawi ay dahil sa banggaan ng kanyang motorsiklong sinasakyan na minamaneho ng kanyang court’s process server at isa pang motorsiklo.

Ang masakalap, ang nagmamaneho naman na kanilang nakabanggaan ay isang 19 anyos na batang-lalaki na wala naman palang lisensiya sa pagmomotor. Ang biktima ay nasawi din sa insidente.

Di na natin, paguusapan kung ano ang dahilan o’ sino ang may mali sa pangyayari. Ang pinaka-tanong ay bakit naka-angkas si Judge Carmela Rosario C. Pasquin?

Ang kasagutan ay naibigay ng Pinamungajan Police na nag-imbestiga, kung saan, kanilang napag-alaman na si Judge Carms (ang tawag sa kanya ng karamihan) ay talaga palang nagko-commute lamang mula sa kanyang tirahan sa Toledo City, at kung minsan ay sumasabay sa kanyang mga katrabaho papuntang Municipal Circuit Trial Court ng Pinamungajan, Cebu.

Isa din ako sa nasorpresa nang malamang nagko-commute lamang ang babaeng huwes, at gaya ng marami, naitanong ko din, bakit ginagawa ito ni Judge Pasquin, sa kabila ng kanyang makapangyarihang posisyon sa lipunan, at sa kabila na karamihan sa ating mga opisyal ng pamahalaan at hudikatura ay ipinangangalandakan pa ang kanilang magagarang sinasakyan na nabili dahil sa nakaw na pondo ng pamahalaan, gamit sa pagpasok sa opisina o’ pag-uwi sa kani-kanilang mga tahanan.

Tulad ng mga ito, si Judge Pasquin ay ginagampanan nang tunay ang kanyang sinumpaang tungkulin. Ang pagkaka-iba nga lang, ay marahil nais ipakita ng babaeng huwes, ang tamang pagganap sa tungkulin – ang mamuhay ng simple.

Malaki at malayong-malayo ang pagkaka-iba ni Judge Carms sa karamihan ng mga opisyal ng ating pamahalaan. Ipinakikita niya na di kailangan ang karangyaan para lamang makuha ang respeto ng karamihan. Di ito ang dapat na ipakita, kung di ang pagiging tapat at patas sa tungkulin. HINDI KORUP! At higit sa lahat walang bahid ng KASAKIMAN!

Nasa iyo ang aking paghanga, Judge Carms. Ipinakita mo sa amin na ang tamang pagsusuot ng roba ng katarungan, ay di kinakailangan samahan ng KAYABANGAN. Mabuhay ka, Judge Pasquin. Isa kang tunay na huwaran.