Advertisers

Advertisers

GARAPALAN ANG LABAN

0 2,921

Advertisers

Maraming pangyayari ang bumabalot sa bansa na ‘di ka aya- aya na sumisira na ang Pinoy ang tuwirang nagdadala. Ang salang panghahamak sa lider ng bansa na higit na binibigyan pansin sa social media sa halip na ang ilabas ay ang kagalingan na nagbibigay kumpiyansa sa mga dayuhang mamumuhunan na maglagay ng negosyo o puhunan sa bansa. Nariyan ang mga likas na kaganapan tulad ng lindol pagputok ng mga bulkan at malalakas na bagyo na sumisira sa kapaligiran maging sa maraming establisyemento sa bansa. Mapaglalabanan ang mga banggit na mga kaganapan na karaniwang kinikibit balikat ni Mang Juan dahil sa tiwala’t karanasan na kayang kaya ang anumang hamon sa buhay. Naniniwala sa galing ng Pinoy sa pagharap sa hamon ng buhay higit kung nagkakaisa sa layon na lagpasan ang ano mang hamon sa buhay.

Maselan ang pinagdaraanan ng bansa na naglalayo sa kapwa bansa sa kalakaran ng kaunlaran ngunit ‘di sa kakayahan. Mahusay ang Pinoy ngunit ang utak talangka na hinihila ang kapwa upang ‘di makuha ang pagkilala sa larangang may kagalingan ang pangunahing negatibong pag-uugali na nakakalungkot at bumabansot sa kaunlarang ibig. Walang ‘di magagawa ang Pinoy sa ano mang larangan at karaniwang tinitingala ang husay ng gawa. Sa totoo lang, nariyan ang palakasan na karaniwang ‘di nilalaro sa bansa ngunit sa kasalukuyang pinaghaharian. Habang sa kabilang dako, masasabing walang pasilidad sa mundo na walang kamay ang Pinoy na pinakikinabangan ng tao sa mundo. Sa usapin ng medisina maraming siyentipiko’y mangagamot ang binibigay ang pagkilala sa husay sa pagsugpo ng sakit.

Sa totoo lang, ang kagalingan ng Pinoy sa maraming bagay ang salang gawa ang pinakarurok at higit sa nagaganap sa politika na nasiwalat ang mga anomalya na pakinabang sa iilan at ‘di sa taong bayan. Ang ‘di makitang proyekto na pinondohan ng tax-ng ina ang pangunahing rason kung bakit sa likod ng nagaganap na likas na kaganapan sa bansa, di masilip ang mga tulong mula sa kalapit na mga bansa na karaniwang dumarating sa panahon ng pangangailangan. Ang salang gawa ng mga politiko na bilyon bilyon ang halaga ang naglayo sa ibang lahi na magbigay ng tulong sa mga biktima ng kalamidad na tila pagtitikis sa ating lahi ng mapulutan ng aral at ‘di na muling maganap sa kinabukasan. Batid ang pagiging mapagkaibigan ng Pinoy ngunit sa nabatid na mga katiwalian ang sitwasyon na ‘di kayang yakapin ng kalapit bansa na nagdadalawang isip sa pag-abot ng tulong. Nariyan ngayon si Tino at umaasa na ‘di darating ang tulong ng kapwa bansa.

Sa kabila ng pangyayari, ang mga naglabasang mga larawan na inilalabas sa media at social media na nilalait ang Kapitan ng bansa ang salang gawa para ng ilang ambisyoso na naghahasik ng malisyosong impormasyon, ng masira ang lider ng bansa. Ang mga larawan o video na inilalahad kuno ang mga salang kilos ni Jun Singhot ang garapalang paglapastangan sa panguluhan na kailangan na mabigyan ng pansin at maitama. Walang pagkitil sa pahayag o mga pahayag ngunit ang bansa at ang Pinoy ang bitbit ng lider na kailangang protektahan o ituwid ng ‘di mamalas ng ibang lider ng iba’t- ibang bansa ang salang galaw ng ating punong kinatawan sa pandaigdigang pagpupulong. Hindi itinatago ang kahinaan ng gumaganap ngunit maging maingat sa pag-uulat upang ‘di maisalang sa kahihiyan ang bansa na kinakatawan.

Sa totoo lang, bastusan ang galawan ng mga kritiko ni Jun Singhot na ‘di makapaghintay na makabalik sa bansa bago ilahad ang mga kritisismo. Malinaw na harapang banggaan ang ginagawa at tuwirang sinisira ‘di lang ang pagkatao ng Kapitan ng bansa sa halip ang bansa ang ginigiba sa pananaw ng ibang lahi. Ang mga malisyosong larawan maging pahayag ang ganap na nakakalungkot dahil sa galawang politika sa bansa. Walang lugar o oras ang atake kay Jun Singhot, at ibig maipakita ang kahinaan ng lider na sala sa ano mang pagmasid. Sa totoo lang, hindi nagagalingan sa kasalukuyang lider ngunit may tamang oras at lugar na ipabatid ang kahinaan na mapupunuan sa susunod na mga galawan. Ang matuto sa nakaraan ang espasyong magpapa-igi sa lider ang dapat ibigay para sa kagalingan ng ating bansa at lahi. Hindi tanggap na nasa labas ng bansa ang lider naroon ang mga salang puna na nagpapababa sa pagiging Pinoy ng ating lahi. Tandaan na ang pangulo’y naroon bilang pangunahing kinatawan na bitbit ang kagalingan ng ating bansa at pakinabang sa ating lahi.

Sa mga kritiko ni Jun Singhot, higit sa mangmang ng kaTimugan, mamatay kayo sa inggit ngunit hintayin ang panahon na maipakita ang galing sa panahon ng inyong panunungkulan. Ang tumindig kasama ang pangulo ang serbisyong magagawa sa bansa at baka magbago ng silip si Mang Juan sa kaganidan sa kapangyarihan ng kaTimugan. Muli, hindi inaalis na maging mapanuri ngunit ang ilagay sa tamang lugar at oras ang kritisismo ang inaasahan higit sa mga ibig pumalit sa liderato. Huwag hayaan na mangibabaw ang pansariling layon o kasakiman na ipinapakita ang kaduhapaan sa panahon na dapat samahan ang kinatawan sa usapin sa labas ng bansa. Kung nagagawa sa palakasan na sumuporta sa mga atleta bakit ‘di sa pangulo ng bansa.

Nakalulungkot ang kaganapan sa bansa higit sa panahon na dapat na nagbubuklod tayo (ang Piny) dahil sa kaliwa’t kanang likas na kaganapan na pumipinsala sa bansa. Ang pagkakahati dahil sa politika at ganap na pakinabang sa iilan ang galawang sumisira sa bansa na kinalulungkot ng nakakarami. Hindi inaalis na tumindig sa paniniwala ngunit huwag limutin na ang mga tao sa laylayan ang dulo ng serbisyong ibig. Hindi inaalis ang ambisyon sa kinabukasan ngunit bigyan pansin at ilagay sa tamang lugar at sa tamang oras ang paninira sa lider ng bansa higit kapulong ang ibang lider ng mundo. Sa galawang ipinamalas ng mga kritiko ni Jun Singhot, garapalan ang laban na ibig at ang kumurap ang talo. Mainam na suungin ang laban na ibig ng mga kritiko higit ang wala sa wisyo, walang paggalang at hindi kumikilala ng pwestong tangan, ang garapalang laban harapin ng nag-iisip ngunit tiyakin na may pananagutin.

Maraming Salamat po!!!!

Reply