Advertisers
UMISKOR sina RJ Barrett at Scottie Barnes ng tig-23 points Martes ng gabi para talunin ng Toronto Raptors ang bisitang Milwaukee Bucks 128-100 para sa kanilang pangatlong sunod-sunod a panalo.
Immanuel Quickley nagdagdag ng 15 points para sa Raptors at reserve Sandro Mamukelashvili umiskor rin ng 15. Gradey Dick nagdagdag ng 14 points at Brandon Ingram may 13 points.
Toronto center Jakob Poeltl bumalik matapos mawala ng 3 games na may lower back tightness at bumakas ng eight points at nine rebounds sa 20 minutong aksyon.
Napanalunan ng Bucks ang apat na nakaraang laro sa pagitan ng mga koponan.
Si Giannis Antetokounmpo ay nagkaroon ng 22 puntos at walong rebounds para sa Bucks sa loob ng 24 na minuto pagkatapos niyang manalo sa Indiana Pacers sa pamamagitan ng buzzer beater na nagpasya ng laban 117-115 noong Lunes. Nag-ambag si Kyle Kuzma ng 18 puntos, si Cole Anthony ay nakapuntos ng 12, si Ryan Rollins ay may 11 puntos, at si Myles Turner ay nagdagdag ng 10 puntos at walong rebounds para sa Milwaukee.
Nangibabaw ang Raptors sa laro at nanguna ng hanggang 21 puntos sa ikalawang kwarter. Ang lamang ay 25 pagpasok sa ikaapat na kwarter at patuloy na namuno ang Raptors at nanguna ng 30 puntos na may 4:13 na natitira sa laro.