Advertisers
NASAWI ang 39-anyos na guro nang pagbabarilin ng riding in tandem sa Barangay San Juan, Laur, Nueva Ecija nitong Martes, Nobyembre 4.
Kinilala ang biktima na si Mark Christian Malaca, residente ng Barangay San Fernando ng kaparehong ba-yan.
Sa inisyal na report, dalawang lalaki na nakasuot ng itim na jacket, helmet, at face mask ang lumapit sa biktima at binaril ng hindi pa tukoy na kalibre ng armas bago tumakas patungo sa direksyon ng Gabaldon, Nueva Ecija.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang posibleng motibo sa pamamaril.
Inilunsad narin ang dragnet operation at ipinadala ang forensic teams sa crime scene.