Advertisers

Advertisers

Edukasyon sa likod ng rehas: 14 PDLs nagtapos ng ALS sa MCJMD

0 65

Advertisers

Edukasyon sa Persons Deprived of Liberty (PDLs)…isa sa prayoridad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa ilalim ng pamumuno ni Director Ruel Rivera. Isa sa paghahanda sa PDLs ay ang pagbibigay ng sapat na rehabilitasyon at edukasyon na makakatulong sa kanilang paglaya.

Sa direktiba ni BJMP National Capital Region (NCR) chief, Chief Supt. Baby Noel Montalvo batay sa kautusan ni Dir. Rivera, nakapagtala ng tagumpay ang Manila City Jail Male Dormitory sa ilalim ni Warden JSupt. Michelle N Bonto, sa programang pagmomolde sa mga PDL nang magtapos sa Alternative Learning System (ALS) sa loob ng karsel.

Sa paglaganap ng edukasyon sa MCJMD, may 14 PDLs ang nagtapos at tumanggap ng kanilang ALS Micro-Certification. Ang sertipiko ay malaking tulong sa kanilang paghahanap ng trabaho paglabas sa piitan. Lima sa 14 ay laya na at naghahanap ng mapapasukan gamit ang sertpiko.

Nitong Nobyembre 7, 2025, pinangunahan ni Supt. Bonto, katuwang ang DepEd ALS Manila, ang pagtatapos ng 14 PDLs sa St. Dimas Chapel sa loob ng MCJMD..

“ The event celebrated the completion of the PDLs’ micro-certification for life skills, including communication, teamwork, leadership, and problem-solving — competencies validated by multiple assessors under the ALS micro-certification framework,” pahayag ni Supt. Bonto.

Batid na ang edukasyon ay malaking tulong pakikitungo sa komunidad.

Ang progamang micro-certification ay nakaangkla sa Republic Act No. 11510 (Alternative Learning System Act) at nakahanay sa Philippine Qualifications Framework (PQF).

Simulan ang ALS micro-certification sa MCJMD nitong Pebrero 2025, at ang orientasyon ay pinangunahan ni Mrs. Lourence F. Cano, ALS Coordinator of Manila, kasama ang mga guro ng ALS na sina Ms. Teresita Pantilo at Ms. Rainmiel Robles.

Sa katunyan, noong national recognition ceremony para sa nagtapos ng ALS Nitong Oktubre 13, 2025, pinuri naman ni Education Secretary Sonny Angara ang mga nagtapos dahil sa kanilang pagpupursige makamit ang sertipiko.

“Sa ating mga micro-certification completers, kayo ang patunay na hindi kailangang mabilisan ang pag-abot sa mga pangarap. Maaaring dahan-dahan, paunti-unti, sa mga maliliit na tagumpay na bumubuo ng isang buhay na may direksyon at dangal. Sa ALS, hindi lang sa taas ng narating sinusukat ang tagumpay, kundi sa layo ng inyong nilakbay,” pahayag ni Sec. Angara.

Samantala, ang okasyon sa MCJMD ay dinaluhan din nina Mr. Jonathan R. Guillermo, Principal ng Margarita Roxas de Ayala Elementary School; Ms. Leah Amor E. Antonio, Education Program Specialist II; at mga ALS teachers mula DepEd Manila.

“Hindi sapat ang angking talino lamang — kailangan ninyo ng mga taong susuporta sa inyo. Maswerte tayo dahil narito ang mga ALS teachers at BJMP personnel na tumutulong upang makamit ninyo ang inyong mga pangarap. Dapat ang inyong pagtingin sa kinabukasan ay hindi nagtatapos sa mga rehas na nasa paligid ninyo, bagkus dapat ay lumalagpas sa mga rehas na yan ang inyong pangarap para sa kinabukasan. Kailangan niyong magpakatatag at huwag dito susuko sa hamon ng buhay, at palaging iisipin na may nag aantay sa inyong mga mahal sa buhay sa labas ng piitan,” binigyan-diin ni Supt. Bonto sa pagbubukas ng “graduation rites”.

Inihayag naman ni C/Supt. Montalvo na ang programang ALS ay lumikha ng malaking impluwensiya para sa PDLs.

Hindi tulad noon na walang ginagawa sa loob ang PDLs, pero ngayon ayon kay Montalvo ay mayroon na silang pagkakataon at oportunidad na maging mabuting mamamayan para sa komunidad at sarili.

“Knowing the culture in the Philippines that once imprisoned, job opportunities are rare and is often isolate released PDL from the majority,” pahayag pa ni Montalvo.

Iyan ang BJMP at MCJMD, kapakanan ng PDLs ang prioridad – ang ihanda sila sa paglaya sa pagbibigay ng sapat na edukasyon para makatulong sa kanilang paghahanap na trabaho sa labas.