Advertisers
MATAPOS ang mahabang preparasyon at panahon mula sa pagsaliksik, pagsulat, pag-akda hanggang paglimbag,nasa merkado na sa wakas ang librong isinulat ni Champ Marlon Manalo tungkol sa daan tungong tagumpay sa larangan ng billiards ng buhay na alamat na si Efren “Bata” Reyes. Maupo, mag-relaks at mag-enjoy, “nasa labas at mabibili na ang libro ni The Magician ‘Bata’ Reyes”.
Tuklasin ang buhay ng pinakadakilang manlalaro sa lahat ng panahon at Hall of Famer na si Efren “Bata” Reyes, na isinulat ni sportsman/ public servant Marlon Manalo, na isa ring International Billiards and Snooker Champion.
Mga mapagpakumbabang simula sa bilyaran ng Pampanga, tagumpay sa entablado ng mundo.
“Ang isang bahagi ng kikitain ay ilalaan sa pagsuporta sa kasalukuyan, hinaharap, at mga retiradong manlalaro ng bilyar dahil naniniwala kami sa pagpapalago at pag-angat ng isport ng bilyar sa pamamagitan ng pagbibigay pabalik sa mga bumuo nito at sa mga magdadala nito sa hinaharap,” sabi ni Manalo.
KUMUHA NG INYONG KOPYA NGAYON, LIMITADONG COPIES LAMANG!
Para sa mga order, mangyaring makipag-ugnayan sa #0910-888-6888 o 0919-999-2727.
Available sa Pacman’s Cue Club | Lower Ground Floor, Worldwide Corporate Center, Shaw Blvd., Mandaluyong City.-
***
PSC SUPORTADO ANG SAMA- SAMA SPORT SA TARLAC
KASADO na ang grassroot development program na Sama-Sama Sports sa Tarlac na inorganisa ng inyong kaisport sa aking balwarte sa Tarlac.
Tulad ng dati ay suportado ang grassroot sportscdevelopment na ito ng Philippine Sports Commission . PUGAY PSC Chair PATO!