Revival Ng “Sana Ngayong Pasko” Ng International Singer Host Na Si Jules Graeser Pinuri Ng 2 Iconic Composer Jimmy Borja At Vehnee Saturno; Natasha Ledesma Proud Na Endorser Ng PAMPER CITY by Owemji
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
Maganda at malakas ang feedbacks sa social media, ng revival ni Jules Graeser, para sa 1993 hit OPM Christmas song ni Ariel Rivera na “Sana Ngayong Pasko.”
Yes puro pawang positive ang comments at reactions ng mga nakaririnig na ng sariling version ni Jules ng Sana Ngayong Pasko na pina-bongga pa lalo ng nasabing International Singer/TV and Event Host ang rendition. Maging ang beteranong composer ng kanta na si Jimmy Borja na icon na sa local Music Industry ay humanga kay Jules at all praises siya sa version ng kaibigang recording artist. At narito, ang komento ni Borja na based na sa US na mababasa sa comment section sa post ni Jules sa Facebook Page ng singer-businessman. “Thank you for your awesome record of “Sana Ngayong Pasko,” sir Jules Graeser! Na with 3 pine trees emoji na simbolo rin ng christmas season.
“Nice! Jules,” Yan naman ang maikling komento ng Hit makers na si Vehnee Saturno na isa ring icon sa industriya ng entertainment. I’m sure lalong ma-iinspired si Jules sa mga positibong komento na ito mula sa kanyang mga nirerespetong composers. Dalawa, pala sa original songs ni Jules na Maari Bang Ibigin Ka at Katuparan( na nasa Karaoke na) ay gawa ni Saturno. Sa kanya rin ipinagkatiwa ni Vehnee ang revival ng first super hit song noong 80’s ni Martin Nievera na “Be My Lady.” Nagkaroon ito ng 2 nominations sa Indie Music Awards 2025. Samantala tumanggap pala ng panibagong award si Jules bilang “Best Male Emerging Artist” sa Indie Music Channel Awards 2025. My big Congratulations. Si Jules rin ang tanging Artist, na ginawan ng kantang “Minsan May Isang Awit” ng retired ng veteran sexy actress na si Stella Suarez, Sr na mother ni Richard Gomez. Napakaganda rin ng pagkaka-record ni Jules ng song na pwedeng-pwedeng themesong ng teleserye at movie. Lahat ng songs ni Jules ay available at pwede na ninyong ma-download o stream sa mga sikat na Digital Music Platforms like Spotify, iTunes, Apple Music and many more at sa Youtube channel na Jules Graeser-Topic.
***
Likas na talagang maganda, ang actress-singer-endorser na si Natasha Ledesma. At tiyak lalo pa siyang gaganda ngayon dahil sa alaga ng ineendorsong PAMPER CITY by Owemji na naging successful ang Grand Opening last October 25.
Ang feel na feel, ni Natasha ay One stop shop ang said Health Beauty Clinic na ipinagmamalaki niya ang isa sa mga inooffer rito services na HYDRALUXE na magugustuhan niyo ang kanilang Deep Cleansing(remove impurities), Exfoliation(clearing pores) at replenishing moisture. And this is 2,499 lang per session. You can also enjoy their other services like Bespoke Wellness Massage, Haircut and different Hair Treatment, Pedicure and Manicure at meron din silang Dental services. Kaya naman proud, na ipinagmamalaki sa lahat ni Natasha ang PAMPER CITY na co-owner ay ang super pretty at flawless ring gaya ni Natasha, na si Ms. Janellie Floresca Natividad na Marketing Director rin nito. Located ang Pamper City sa 107 K1 Center Prestige Bradco Ave cor N. Abueva St. Aseana City Paranaque. Sabi nga, This is your Luxury Escape!