Advertisers

Advertisers

3m kabahayan blackout sa hagupit ni ‘Uwan’

0 15

Advertisers

HUMIGIT-KUMULANG 3 milyong kabahayan ang nananatiling walang kuryente matapos hagupitin ng super bagyong ‘Uwan’ ang Luzon nitong nakaraang weekend, ayon sa National Electrification Administration (NEA).

Ayon kay Eric Campoto, officer-in-charge ng NEA sa Disaster Risk Reduction and Management, apektado ang 60 electric cooperatives: 8 may total power interruptions at 43 partial outages. Kabilang sa mga lugar na apektado ang Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Cordillera, Bicol, Mimaropa, at ilang bahagi ng Eastern Visayas.



“Sa kabuuan, mayroon tayong higit kumulang 3 milyong consumer connections na apektado ng pagkawala ng suplay ng kuryente,” ani Campoto.

Nahihirapan ang restoration dahil sa pagbaha sa Naga, Albay at landslide sa Cordillera at Benguet, na nagpapabagal sa pag-access ng mga lineman.

Nakikipag-ugnayan ang NEA sa lokal na pamahalaan para linisin ang debris at magpadala ng generator sets sa mga kritikal na pasilidad tulad ng mga ospital, tanggapan ng gobyerno, pasilidad ng tubig, at evacuation centers.

Tinamaan ng Uwan ang eastern seaboard bilang super typhoon Linggo ng gabi, na nagdulot ng mga pagbaha, pagkakatumba ng mga puno, at paglikas ng higit sa 1.4 milyon katao sa buong bansa. (Boy Celario)