Advertisers

Advertisers

Kelot tinangay P20m sa casino scam

0 16

Advertisers

ARESTADO ang isang kasapi ng sindikato sa gambling scam sa inilatag na operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Southern Police District at Dasmariñas Police sa Barangay Sampaloc 4, Dasmariñas City, Cavite.

Kinilala ang naaresto na si alyas “Bobby”, pansamantalang naninirahan sa Sta. Mesa, Sampaloc Manila.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente ng pangloloko sa loob ng isang hotel sa Villamor, Pasay City, at naaresto ang suspek sa RSM Lutong Bahay Restaurantsa Sampaloc 4.



Isinagawa ang operasyon nang magreklamo sa pulisya ang biktima na si alyas “Mr. Carlo”, 43 anyos, negosyante ng Lipa City, Batangas.

Ayon sa biktima, naloko siya ng suspek at ng mga kasabwat nito sa pamamagitan ng isang gambling scam na Baccarat.



Aminado ang biktima na natukso siya ng suspek na mag-invest sa isang diumano’y siguradong panalo sa Bacarrat scheme sa isang kilalang casino resort sa Manila.

Nobyembre 10 nang magbigay ng biktima sa suspek ng P20,000,000 cash na kapalit ng casino chips na hindi bababa sa US $400,000 na maaaring ipalit sa mas malaking halaga sa nasabing casino.



Gayunpaman, matapos ang mahigit isang oras na paghihintay ng biktima, hindi nagpakita ang suspek na tumanggap ng pera at nangakong sasamahan siya sa pagpapalit ng chips sa casino.

Dahil dito, agad nagtungo ang biktima sa nasabing casino upang ipapalit ang mga hawak niyang chips, ngunit dito niya nakumpirma na mga peke ang mga ito kung kaya agad siyang dumulog sa pulisya.

Sa follow-up operation ng Pasay City Police, nakita nila ang suspek sa RSM Lutong Bahay Restaurant sa Brgy. Sampaloc 4 sa pamamagitan ng nakakabit na tracker sa mga bagaheng puno ng mga pera.

Nakumpiska rin sa operasyon ang isang puting SUV na Toyota Fortuner, pekeng casino chips na mayroong US$400,000 at isang puting bagahe na naglalaman ng P15-milyong cash.