Advertisers
Ni Anne Venancio
GAGANAP si Angeline Quinto bilang si Diane, isang babaeng may pusong tumulong, kahit sa mga taong hinuhusgahan ng lipunan tulad ni Joshua (Carlo San Juan), isang adik na kanyang kinupkop at itinago mula sa mga awtoridad sa pelikulang “Ang Happy Homes”.
Aminado ang singer/actress na malapit sa kanyang personal na karanasan ang istorya dahil minsan na rin niyang itinago noon ang asawa niyang si Nonrev Daquina dahil tutol ang kanyang dating manager. Mas lalo pa siyang naka-relate sa tema ng pagtulong, dahil tulad ni Diane, tinulungan din niya ang kapatid na nalulong sa droga hanggang sa makarekober sa rehab.
Katwiran ni Angge, “Walang ibang magmamahal sa pamilya mo kundi ikaw. Kaya kahit mahirap, hindi ako sumuko.”
Regine Velasquez galit sa mga bumutas sa kagubatan at pumutol ng puno kaya bumaha
Matapang na naglabas ng pagkadismaya si Regine Velasquez-Alcasid matapos niyang i-post ang video ng yumaong si Gina Lopez, dating DENR secretary, na nagsabing, “If you kill the environment, you kill everything.”
Aniya, dismayado siya sa mga namumuno na hinayaang sirain ang kalikasan. Nung panahon ni Lopez, 75 mining permits ang kinansela at 23 metallic mines ang ipinasara dahil sa mga paglabag sa batas pangkalikasan.
“Sino ang nagbigay ng permiso na butasin ang kabundukan, putulin ang mga puno, sirain ang karagatan?” tanong ng Songbird.
Pinuri naman ng mga netizens si Regine sa pagiging vocal nito laban sa katiwalian at kapabayaan ng gobyerno. Nananawagan ito sa publiko ng hustisya para sa inang kalikasan lalo na para sa mga nasalanta ng bagyong Tino at Uwan.