Advertisers
Bilang bahagi ng World Diabetes Day 2025 , nanawagan ang Philippine College of Endocrinology, Diabetes and Metabolism at iba pang medical groups ng mas inklusibong workplace policies para sa mga Pilipinong may diabetes.
Sa isang pulong balitaan sinabi ni PCEDM President Dr. Lora May Tin Hay na hindi dapat maging hadlang sa trabaho ang pagkakaroon ng diabetes kung may sapat na gamutan at suporta mula sa pamilya at mga employer.
Ayon pa sa PCEDM, na ang type 2 diabetes ay isa sa high risk at pinakamalaking hamong pangkalusugan sa bansa , na ngayon ay ikalimang nangungunang sanhi n kamatayan at nakakaapekto sa tinatayang 5.5 milyong Pilipinong nasa hustong gulang.
Binigyang-diin naman ni Dr. Lourdes Ella Santos ng Philippine Heart Association at Dr. Maria Cristina Macrohon-Valdez ng Stroke Society of the Philippines na malaki ang pagkaka-ugnay ng diabetes sa mga sakit sa puso at stroke.
Nilinaw naman ni Dr. Ricardo Francisco Jr. ng Philippine Society of Nephrology na isa rin ang diabetes sa mga pangunahing sanhi ng pagkasira ng bato o kidney failure.
Tinalakay din ng mga eksperto mula sa ibat-ibang organisasyon ang pangangailangan ng cross-sector colalboration upang makalikha ng ma polisiya at workplace programs na makakatulong sa mga mangaggawang may diabetes.
Batay sa datos ng Department of Health, ang diabetes mellitus ay nananatiling ikalimang pangunahing sanhi ng kamatayan sa Pilipinas na naitala noong 2023 at 2024.(Jocelyn Domenden)