Advertisers

Advertisers

Negosyante todas sa half brother

0 20

Advertisers

ISANG tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng negosyante makaraang barilin sa ulo ng kapatid nito ( half brother) ng dahil umano sa matinding inggit sa pamamahala ng biktima sa isang resort, kamakalawa sa Brgy Cabuco Trece Maritrez City Cavite.



Kinilala ang biktima sa alyas Wel, nasa hustong gulang at namamahala sa Bukal Resort sa Sunshineville, Brgy. Cabuco, Trece Martires City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas 11:00 ng gabi ng dumating umano ang biktima sa Bukal Resort kasama ang isa pang kapatid nito kung saan nadatnan na rito ang suspek na kinilala sa alyas Rian, half brother ng biktima.

Nagtanong umano ang biktima kung sino ang in charge ng araw na iyon sa resort na ikinagalit ng suspek.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mga ito hanggang sa mapikon ang suspek at bumunot ito ng maiksijg baril at pinutukan ng harapan sa ulo ang biktima bago mabilis na tunakas.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, may matinding umanong galit at inggit ang suspek sa kaniyang kapatid hinggil sa gusto umano nitong mamahala sa nasabing resort.

Kasalukuyan ng tinutugis ang tumakas na suspek. (IRINE GASCON)