Advertisers
Nasawi ang isang misis ng sintukin ng mister nang hindi agad sumunod sa utos, sa Tanza, Cavite.
Isinugod pa sa MV Santiago Hospital ang biktimang si alyas Daisy subali’t hindi na ito umabot ng buhay.
Arestado naman ang suspek na si alyas Alexis sa isinagawang follow up operation.
Sa ulat, naganap ang insidente 10:00 kamakalawa ng gabi sa loob ng bahay ng mag live-in partner sa Brgy. Paradahan 1, Tanza Cavite kung saan nauna dito nag-inuman ang suspek at mga barkada nito.
Matapos ang kanilang inuman, inutusan ng suspek ang kanyang live-in partner na maghugas at magligpit ng kanilang ginamit sa inuman.
Sinasabing pagod pa ang babae na ikinairita ng kanyang live-in partner kaya sinuntok sa panga na nagresulta sa pagkamatay ng biktima. (Irine Gascon)