Advertisers

Advertisers

‘Political dynasty’ buburahin…

0 17

Advertisers

 

INANUNSYO ni House Speaker “Bojie” Dy na isusulong nila ang pagbura sa political dynasty.

Suportado naman ni House Senior Deputy Minority Leader Edgar Erice ang pahayag na ito ni Bojie na gawing proyaridad ang pagsasabatas sa anti-political dynasty bill.

Say ni Erice, ang pagsasabatas sa anti-political dynasty bill ang sagot sa malalang korapsyon sa bansa.

Bagama’t mayroon aniyang political dynasties na maayos ang pamamalakad, hindi parin maitatanggi na marami ang umaabuso sa sistema. Mismo!

“Mag-aama, mag-aasawa, magkakapatid – sila-sila nalang. Kapag ganyan, wala nang check and balance. Paano mo iimbestigahan yung kadugo mo?,” diin ni Erice sa panayam ng One News sa programang ‘Morning matters’.

Actually, matagal nang isinusulong sa kongreso ang pagbuwag sa political dynasty, pero hindi ito makalusot-lusot. Kasi nga karamihan sa miembro ng kongreso ay produkto ng political dynasty.

Even itong si Speaker Dy, produkto ito ng political dynasty. Halos lahat ng miembro ng kanilang pamilya ay nasa politika. Oo! Dekada na ang Dy sa politika sa Isabela. Nagpapalitan lang sila sa puwesto.

Well, tingnan natin kung anong hakbang ng pagsulong sa anti-political dynasty bill ni Dy gayung siya ay nabibilang sa political dynasty.

Subaybayan!

***

Tuluyan na ngang naglaho sa mata ng publiko si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa simula nang ihayag ni Ombudsman “Boying” Remulla na naglabas na ng arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) laban sa DDS (Duterte diehard supporter) senator.

Hindi na nga makontak ang cellhone number ni Bato. Naglaho siyang parang bula. Tanging ang abogado nalang niya ang nagsasalita para sa kanya.

Ipinakita rito ni Bato na lahat ng kanyang paghahamon noon sa ICC na isyuhan na siya ng arrest warrant at haharapin niya ito ay “budol” lang.

Ang katotohanan: Duwag pala si Bato!, naging matapang lang noong nasa Malakanyang ang kanyang “Tatay Digong” na walong buwan na ngayon nakakulong sa ICC sa The Hague, Netherlands.

Dapat sumurender nalang si Bato, kung may ICC warrant nga, para magkita na sila ni Tatay Digong niya, masamahan niya ang matanda na “naghihingalo” na raw sa takot na maisalang sa paglilitis.

Si Bato ay co-accused ni Duterte sa kasonfg ‘Crimes against humanity’ kaugnay ng mga pagpatay noong isagawa nila ang ‘war on drugs’, na ayon sa human rights group ay higit 30,000 ang pinaslang pero sa data ni PNP ay higit 5,000 lang.

Sabi ng Department of Justice (DoJ), dalawang bagay lang ang maaring gawin nila kay Bato: extradition o isuko ito sa ICC.

Sabi ng itinabing Chief PNP, General Nicolas Torre, kailangan ng maraming pulis para maaresto si Bato.

Ano kaya kung si Torre ang atasan ni PBBM para arestuhin ang senador, madadale kaya niya ang dating Chief PNP?

Hmmm…